Donita Rose and Cheska Diaz bury the hatchet after their love triangle with Gary Estrada

Donita Rose on meeting Cheska Diaz again after so many years: "God really has His ways to make things happen for us. Kita niyo naman, after so many years, dito pa kami magkikita. It's something so unexpected yet amazing."


Sa taping ng GMA primetime series na That’s My Amboy naganap ang muling pagkikita ng dalawang babaeng nagkaroon ng ugnayan sa aktor na si Gary Estrada—sina Donita Rose at Cheska Diaz.

Sa mga hindi nakakaalam, nagkaroon ng relasyon sina Donita at Gary noong 1992.

Noong taong ding iyon biglang pumutok ang balitang nabuntis ni Gary si Cheska.

Ang naging anak nina Cheska at Gary ay ang Kapuso young actor na si Kiko Estrada, na co-star ngayon ni Donita sa That’s My Amboy.

Read: Donita Rose shocked by unexpected meeting with ex-boyfriend Gary Estrada’s son

Nagkagulatan sina Donita at Cheska nang mag-abot sila sa dressing room ng That’s My Amboy sa Citi Events Place, sa may Sgt. Esguerra Street, Quezon City, noong Martes, February 16.

Regular cast si Donita ng teleserye samantalang may guest role naman dito si Cheska.

Nagbatian at nagkayapan ang dalawa na tila walang nangyaring intriga sa kanilang dalawa may 24 taon na ang nakararaan.

LIKE OLD FRIENDS. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Donita tungkol sa chance meeting nila ni Cheska, natatawa itong ikinuwento na nagtaray pa raw siya kunwari.

“When Cheska entered the dressing room, nag-dialogue ako ng ‘Hay, naku, sino ang nagpapasok sa babaeng ‘yan dito?!’

“From there, we just laughed na lang. Parang wala lang talaga.

“We’re like old friends na matagal na hindi nagkita.

“Pero hindi kami naging close or nagkakilala nang mabuti ni Cheska noon.

“Alam niyo naman ang kuwento, di ba? Big news yung nangyari sa amin.”

Patuloy ni Donita, “But everything now is part of the past. Wala na yun. Past is past.

“I’m just happy that I met Cheska’s son, Kiko. Mabait na bata.

“And I’m happy that Cheska is also part of our show now.

“God really has His ways to make things happen for us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kita niyo naman, after so many years, dito pa kami magkikita.

“It’s something so unexpected yet amazing.”

UNEXPECTED MEETING. Sa hiwalay na panayam naman ng PEP kay Cheska, sinabi nitong ngayon lang sila ulit nagkita ni Donita pagkatapos ng mahabang panahon.

“I remember na huli kaming nagkita ni Donita ay Star Olympics pa. Tapos buntis pa ako kay Kiko noon.

“Since then, hindi na kami nagkita. But we’re friends sa Facebook.”

Kuwento pa ng kapatid ni Joko Diaz at anak ng yumaong Paquito Diaz, “Nagulat ako noong magkita kami sa dressing room. Hindi ko alam na nandoon na pala siya.

“Siyempre nagbatian kami, nagbeso.

“Yung nangyari naman sa amin before, ang tagal na nun. It’s all in the past.

“Pareho na kaming may kanya-kanyang pamilya, and so does Gary.

“I’m happy that my son [Kiko] is working with Donita.

“Parang ang strange, di ba? Dito pa kami talaga nagkita ulit!”

CHESKA IS BACK. Unti-unti na raw nagbabalik si Cheska sa pagiging aktibo sa showbiz.

Nakagawa ng ilang pelikula noong ‘90s si Cheska; tulad ng Leon at Tigre, The Maricris Sioson Story: Japayuki, Bulag Pipi Bingi, Bala at Lipstick, Ang Tipo Kong Lalake, at Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.

Saad niya, “Yes, I am slowly making a sort of comeback sa showbiz.

“Okey lang naman because here in That’s My Amboy, I play the mother of Kiko. Madali lang ang role para sa akin.

“Nakakapanibago lang kasi ang tagal kong hindi umarte talaga.

“I am just happy to have this chance to work with my son who I am very proud of.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN