MMFF Execom denies alleged ticket price increase scheme

MMFF Budget and Finance Committee Chairman Edenison Fainsan, Executive Committee Chairman Jesse Ejercito, MMDA and MMFF Over-all Chairman Emerson Carlos, MMFF Secretariat Executive Director Noemi Ilagan, and Execom member Boots Anson-Rodrigo attend the third Congressional meeting on alleged irregularities in the 2015 MMFF.


Pinabulaanan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee ang alegasyong nangongolekta sila ng non-tax revenue o ticket price increase sa mga sinehan sa labas ng Metro Manila.

Kaugnay ito ng rebelasyon ni Film Academy of The Philippines (FAP) director general Leo Martinez na bukod sa amusement tax collection sa Metro Manila ay napupunta rin ang naturang non-tax revenue sa MMFF Execom kada film festival.

Read: Leo Martinez names alleged recipient of MMFF ticket price increase

Pahayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman at MMFF Over-all Chairman Atty. Emerson Carlos ukol dito, “We've been informed of this practice dun sa mga probinsiya where the theaters increase their prices during the Manila Film Festival period.”

Patuloy pa ni Chairman Carlos, “But the MMFF has no hand in this in so far as we are concerned.

“Based on the information that I gathered, this is an arrangement between the theater owners and the movie producers.”

Maging ang MMFF Executive Committee chairman na si Jesse Ejercito ay nilinaw na walang nakukuhang pondo ang kanilang pamunuan mula sa diumano'y ticket price increase sa theaters outside Metro Manila.

Giit ni Ejercito, “Because we really have no control over the provinces.

“Ang arrangement ay between the theaters and the producers themselves.

“They increased sa agreement nila pareho.

“Wala hong involvement ang Metro Manila Film Fest executive committee.”

Kaugnay ito ng ginanap na special Congressional meeting ng Metro Manila Development (MMD) committee nitong Huwebes, February 18.

Dinaluhan ito ni MMD Chairman Cong. Winston Castelo, Cong. Johnny Revilla, at Cong. Dan Fernandez.

ESTIMATED TICKET PRICE INCREASE COLLECTION. Sa pagpupulong na ito ay tinalakay ni Cong. Castelo ang estimated total collection mula sa diumano’y non-tax revenue ng MMFF na nagkakahalaga ng “P396 million” mula 1985 hanggang 2015.

Base ito sa estimated total computation ni Martinez, na nagsasabing “12 percent” ang price increase sa total provincial gross ng MMFF entries kada taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buwelta naman ni MMFF Finance Budget Committee Chairman Edenison Faisan, "Yung sinasabi ni Leo na 'yan, wala pong collection na ganun kalaki, yung P300 million.”

Kaugnay nito, ginisa ng komite ng Kongreso si Faisan dahil hindi umano tugma ang mga pahayag nito tungkol sa isyu ng ticket price increase sa theaters outside Metro Manila.

Nanindigan si Fainsan na walang nakukuhang anumang pondo ang pamunuan ng MMFF mula sa ticket price increase kapag panahon ng film festival, na isinasagawa sa loob ng 14 na araw kada taon.

“Wala pong napupunta sa amin sa MMFF sa mga [ticket price increase] outside Metro Manila po.”

Taliwas ito sa pahayag ni Martinez na nagsasabing alam ni Fainsan na mayroong nakukulektang add-on surcharges ang MMFF sa theaters outside Metro Manila noong nagkapalitan sila ng sulat noong 2010.

Paliwanag ng FAP director general, “Hindi naman po nila dine-deny na merong price increase.

“Ang sinabi lang sa amin, hindi na pumupunta sa inyo dahil sa producers ‘yan.

“Pero yun nga po, ang producers ang tinanong ko, hindi raw napupunta sa kanila.

“Maliwanag po na up to now, kumukolekta tayo ng price increase.

“Inamin na po ‘yan sa sulat sa akin.”

Naunang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pakikipag-ugnayan ni Martinez sa representative ng SM Cinema theaters na si Ed Tejerero.

Base umano sa nakalap na impormasyon ni Tejerero mula sa tauhan ng SM Cinema theaters sa probinsiya, kumpirmadong mayroong nakukuletang ticket price increase kada MMFF.

Nakasaad din umano sa report ni Tejerero na ang Motion Picture Anti Film Piracy Council (MPAFPC) ang diumano’y recipient ng naturang ticket price increase collection mula sa probinsiya.

Si Dominic Du ang presidente ng MPAFP at miyembro rin ng MMFF Executive Committee at Chairman ng Playdate and Monitoring Sales Committee ng film festival.

Read: Leo Martinez names alleged recipient of MMFF ticket price increase

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAINSAN DEFENDS DOMINIC DU. Bunsod nito, kinuwestiyon ni Cong. Fernandez kung paanong makakalampas sa kaalaman ni Fainsan ang tungkol sa isyu ng ticket price increase collection sa theaters outside Metro Manila gayong siya ang finance officer ng MMFF.

Giit pa ni Fernandez, dapat ay alam ni Fainsan kung anuman ang pondong makukulekta ng MMFF at pati na rin ang lahat ng idi-disburse na pera para sa kung sinumang beneficiary nito.

Kasabay nito ay nabanggit ni Fernandez na si Du, bilang chairman ng Playdate and Sales Monitoring Committee, ang tumatanggap ng tseke ng remittances mula sa amusement tax na ibinibigay ng theater owners.

Sa puntong ito, nilinaw ni Fainsan na MMFF ang payee sa tsekeng nire-remit ng theaters owners.

Paliwanag niya, “In fairness siguro dun sa playdate committee, kung ang fee naman ay MMFF, siguro hindi naman siya siguro mapupunta sa account ng whoever ang may hawak ng amount nung tseke na yun.

“Yun ho ang gusto ko maipaalam.

“Na kung MMFF talaga, MMFF din po mapupunta yung tseke.”

Dugtong pa ni Fainsan, “Pero to say na something is going on, hindi ko po ma-kuwan niyan.

“Ako, I am the finance committee [chairman]. Wala rin akong compensation dito.

“I was appointed sa position so I am just doing my job.

“Transparent po ang ginagawa namin. Kung i-scrutinize po ng whoever wants to scrutinize the records, willing po kami.”

Sa huli, tinanong ni Castelo si MMDA Chairman Carlos kung nakarating sa kanyang kaalaman ang MPAFPC, na pinamumunuan ni Du, ang itinuturong “recipient” ng ticket price increase collection partikular na noong 2015.

Sagot ni Carlos, “I had the chance to talk with Mr. Leo Martinez previous to these hearings and even before the MMFF of 2015 happened.

“And one of the issues he raised was regarding these provincial add-ons.

“That’s why I inquired with the staff members of the executive committee what these add-ons are all about.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They gave us standard answers that we do not collect from the provinces.”

Patuloy na saad ng acting chairman ng MMDA at over-all chairman ng MMFF, “But in so far as where these add-ons in provincial theaters are concerned, I have no knowledge where these add-ons are made or insinuations that this went to some personalities with the MMFF or the committees thereof.”

Dahil hindi nakarating si Du at mga naimbitahang theater owners sa Congressional meeting, minosyon nina Cong. Fernandez at Cong. Revilla na mahalagang sagutin ng mga ito ang alegasyon laban sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN