Xian Lim willing to personally apologize to Albay Gov. Joey Salceda

Eksaktong isang taon na ngayong araw, February 19, nasangkot sa isang kontrobersiya si Xian Lim nang tumanggi diumano itong i-promote ang lalawigan ng Albay sa isang guest appearance nito doon. Ngayon, naka-move on na raw si Xian at handang magpakumbaba para maayos na ang isyung ito.


Eksaktong isang taon na ngayong araw, February 19, mula nang pumutok ang balitang nagalit si Albay Governor Joey Salceda kay Xian Lim dahil sa pagtanggi diumano nitong i-promote ang Albay nang minsang bumista roon ang Kapamilya actor.

Read: Xian Lim in hot water after allegedly refusing to promote Albay

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Xian sa launch ng Art Fair Philippines sa The Link Mall, Glorietta, Makati City, kagabi, February 18, tinanong namin kung nagkaayos na ba sila ni Gov. Salceda.

Tugon ng aktor, “Ever since naman po... never ko kasi siyang nakita even po nung may mga complains o nung may mga kinlaim po sila.

“Never ko pa po siyang nakita, e. He was never there in the event.”

Kung magkita sila nang personal, willing ba siyang mag-apologize?

Paglilinaw ni Xian, “Nag-sorry na naman po ako.

“I will always apologize because I’m not here to hurt people, I’m here to make them happy.”

Pero nanindigan pa rin si Xian na may mga hindi tama sa mga naiulat kaugnay ng nasabing kontobersiya, ngunit handa raw siyang magpakumbaba para maayos na ang lahat.

“In all honesty, wala po kasi sa mga claims, sa mga sinasabi po nila, wala naman po kasing nangyaring ganun.

“Kaya ako na po mismo ang magpapakumbaba para maiwasan ang gulo.

“Pero I’m speaking from my heart, and as God as my witness, wala po talagang nangyaring ganun.”

THANKFUL. Pagkatapos dumaan sa ilang kontrobersiya, maayos na raw ulit ang disposiyon ni Xian.

Bukod sa naging matagumpay sa takilya ang pelikula nilang Everything About Her, naayos na rin ni Xian ang ilang mga negatibong intrigang ibinabato sa kanya.

Sabi niya, “Ano lang, masaya lang talaga ako, e. There's so many things to be thankful for.”

Nagkaayos na rin ba sila ng iba pa niyang nakatampuhan o nakagalit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng 26-year-old Kapamilya star, “Oo naman. Sabi ko nga, we all learn from our mistakes.

“And kung may mga tao man na nagalit sa akin, and kung may mga nangyari man, e, naka-move on na tayo dun, e.

“Siguro ganun naman ang buhay, hindi mo maiiwasan ang storm, di ba?

“You learn how to dance with the rain.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN