Paolo Contis's alleged video scandal leaked online

Patuloy pa rin ang paglabas sa social media ng mga diumano'y video scandals ng ilang mga aktor. Ang pinakabagong may viral video raw ay ang Bubble Gang star na si Paolo Contis. Ang larawang ito ay screen capture mula sa sinasabing video diumano ng aktor.


May bago na namang celebrity na diumano’y sangkot sa isang video scandal.

Ito ay ang Kapuso actor na si Paolo Contis.

Nitong mga nakaraang araw ay isang 45-second video ang lumabas sa social media, at hinala ng marami na si Paolo ito.

Sa unang bahagi ng video, makikita ang kasarian ng lalaki hanggang sa ipinakita na ang mukha nito.

Ayon sa mga nakapanood ng video, kahawig ng 31-year-old actor ang lalaking nasa video.

Nitong mga nakalipas na buwan ay sunud-sunod ang paglabas ng video scandals diumano ng male celebrities.

Ilan sa mga itinuturong mayroon nito ay sina Joross Gamboa, Mark Neumann, Jeric Gonzales, Kiko Estrada, Jason Abalos, Carlos Morales, Neil Etheridge, Felix Rocco, Jordan Herrera, Kenneth Medrano, at Michael Pangilinan.

Sa kanilang lahat, tanging si Michael lamang ang umamin na mayroon nga siyang video scandal.

Read: Michael Pangilinan owns up to video scandal: 'Totoo po na ako yun.'

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag si Paolo Contis kaugnay ng sinasabing video scandal diumano niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN