Derrick Monasterio to stars with alleged sex video scandals: "Panindigan niyo 'yan."

Hindi kabado si Derrick Monasterio na may lalabas siyang video scandal dahil hindi raw siya mahilig makipag-chat at wala rin daw siyang ginawang kakaibang video. Nakapanood na rin daw siya ng video scandals ng ilang mga artista, pero hindi naman niya masasabing 100 percent na sila nga ang mga ito. Sabi niya, "Hindi ko po sure pero hindi naman nagsisinungaling ang video."

 


Confident si Derrick Monasterio na walang lalabas na video scandal niya.

Talamak kasi ngayon ang mga diumano’y video scandals ng mga artista; ang pinakahuling nadawit sa kontrobersiyang ito ay si Paolo Contis.

Read: Paolo Contis's alleged video scandal leaked online

“Ay, wala, wala. Hindi po ako nag-i-Skype, e, YM [Yahoo Messenger] lang!” sabi ni Derrick sabay pakawala ng malutong na halakhak.

“Ang luma, di ba?

“Pero nakikita ko yung mga pictures ko [sa isang website], sabi ko, ‘O, wow.’”

Nakakita na ba siya ng mga nagsilabasang scandal ng mga artista?

Sagot ng 20-year-old Kapuso actor, “Opo.”

Naniniderwala ba siyang ang mga sangkot na pangalan nga ang nasa kumalat na video?

Napaisip si Derrick at sinabing, “Hindi ko po sure pero hindi naman nagsisinungaling ang video.”

Aamin naman daw si Derrick kung may lumitaw na video niya lalo na raw kapag ginawa niya talaga.

May maipapayo ba siya sa mga nakaladkad na pangalan sa mga video scandals?

Sabi ni Derrick, “Panindigan niyo ‘yan. Basta ano, may ipapakita kayo, may maipagyayabang kayo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Derrick sa grand presscon ng bagong teleserye ng GMA Network, ang Hanggang Makita Kang Muli, nitong Lunes ng gabi, February 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN