Jasmine Curtis-Smith on IG photo with non-showbiz guy: "Now, everyone knows I'm happy."

Jasmine Curtis refuses to give further information about the non-showbiz guy she's currently dating. But she said, "Now, everyone knows I'm happy."


“Kung ano ang nakita niyo dun, yun na 'yon. Detalyado naman na yung post niyo, e.”

Ito ang nakangiting sagot ni Jasmine Curtis-Smith nang matanong tungkol sa Instagram post ng kanyang ate na si Anne Curtis, at nalathala dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung saan may katabi siyang isang non-showbiz guy.

Read: Jasmine Curtis-Smith spotted being 'cozy' with non-showbiz guy

Ayon pa sa Kapatid actress, hindi na siya nagulat nang maisapubliko ang tungkol sa lalaking eksklusibong nakaka-date niya ngayon—si Jeff Ortega.

Sabi ni Jasmine, “Well, she [Anne] posted it right in front of me.

“So, I was like, 'Oh, okay, pinost niya na. Okay, I guess na-launch na, no going back.'

“It's not naman I'm hiding it or whatever.

“It was just like... that's the part of me that I want to myself first before people will eventually find out.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa ginanap na Instax Crafts event ng FujiFilm Instax ngayong Martes, February 23.

Sabi pa ni Jasmine, hindi niya intensiyong sadyang ipakita sa publiko ang non-showbiz guy na madalas niyang nakakasama ngayon.

Sa katunayan, madali raw sanang nalinaw ang tungkol sa controversial Snapchat video nila ng boyfriend ng kanyang ate na si Erwan Heussaff sa pamamagitan ng pag-post ng larawan nila ni Jeff.

Aniya, “The thing is I was already seeing the guy when that whole Snapchat thing happened.

“I could've easily posted a photo with him and killed the whole controversy.

“But I'm not gonna use that just to defend myself.

“I don't need to explain myself, so yun, I just wanted it to come out by itself.”

Hindi rin daw intensiyon ni Jasmine na itago ang pagiging malapit niya kay Jeff.

“Whatever comes out as public information, as natural as possible. But now, everyone knows I'm happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN