Jasmine Curtis-Smith spotted being 'cozy' with non-showbiz guy

Last week, Jasmine Curtis-Smith admitted in an interview with PEP that she is seeing a non-showbiz guy. In an Instagram photo posted by Anne Curtis this weekend, Jasmine was seen being cozy with a non-showbiz guy. Is he the guy Jasmine was referring to?


Sino ang lalaking katabi ni Jasmine Curtis-Smith sa isang photo na nai-post sa Instagram?

Ito ba ang kanyang bagong boyfriend?

Ito ang mga tanong ng ilang netizens tungkol sa Instagram photo ni Anne Curtis na ipinost nito sa Instagram noong Linggo, February 21.

Sa nasabing larawan ay kasama ng Kapamilya actress sa isang dinner ang kanyang ina na si Mommy Carmen at mga kapatid na sina Thomas at Jasmine.

Kapansin-pansin namang may katabing lalaki si Jasmine at tila “very close” sila.

Sa comments section ng post ni Anne, inusisa ng ilang netizens kung sino ang katabi ni Jasmine.

Nag-comment ang iba pang netizens at tinukoy ang lalaki bilang si "Jeff."

Inisip din ng iba na ito ang bagong lalaki sa buhay ni Jasmine.

 

THE GUY. Sa pananaliksik ng PEP, kinilala ang lalaki bilang si Jeff Ortega.

Siya ay mula sa La Union at isang Level 1 certified surfer instructor.

Kilala rin ang angkan ng binata sa La Union bilang isang political dynasty.

Isang Political Science graduate si Jeff sa Ateneo de Manila University at nagtayo ng isang surfing school sa La Union.

Isa rin siyang businessman na may franchise ng kilalang pioneer action sports and surf store at nagmamay-ari ng isang café sa La Union.

Samantala, sa social media account ni Jeff, may post ito ng larawan ng isang babaeng hindi masyadong kita ang mukha na hinahawakan ang isang kabayo.

Horsing around ??

A photo posted by Jeff Ortega (@jeffortega) on

May hawig kay Jasmine ang nasabing babae na naka-side view.

May isang netizen na tumawag sa babae na “Jas.”

Habang sabi ng isang netizen, “ang unicorn at angel in heaven” ni Jeff ang nasa photo.

Nitong nakaraang linggo, inamin ni Jasmine sa panayam ng PEP at isa pang writer ang tungkol sa isang non-showbiz guy na nagbibigay ng positive impact sa kanyang buhay ngayon.

Sinabi rin ni Jasmine na walang problema sa pamilya niya ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jasmine Curtis-Smith admits to seeing a non-showbiz guy

Samantala, sinabi rin ng Kapatid actress na ipinagdiwang niya ang Valentine’s Day sa beach kasama ang kanyang mga kaibigan.

Kung pagbabasehan ang Instagram post ni Jasmine ay nasa La Union siya; sa hometown ni Jeff.

????????

A photo posted by Jasmine (@jascurtissmith) on

Tatlong linggo na ang nakalilipas, nasangkot sa isang isyu si Jasmine nang bigyan ng malisya ng ilang netizens ang Snapchat video niyang nagpapakita ng pagiging “close” kay Erwan Heussaff, boyfriend ng kapatid niyang si Anne.

Read: (UPDATED) Jasmine Curtis-Smith deletes Snapchat 'playful' video with Erwan Heussaff

Agad namang ipinagtanggol ni Anne ang kapatid at ang boyfriend at sinabing isa lamang itong “inside joke that got out of hand.”

Read: Anne Curtis: 'Stop saying awful things about my sister and boyfriend.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN