Anne Curtis denies she and longtime BF Erwan Heussaff will marry this year

Sa loob pa ng dalawa o tatlong taon nakikita ni Anne Curtis ang sarili na lumagay sa tahimik, kasama ang nobyong si Erwan Heussaff. Ito ay kasunod ng balitang kumalat na handa na raw silang magpakasal sa taong ito. Sabi ni Anne, "Sa ngayon kasi, Erwan and I, we're very much happy, pero we're very much career-driven, so di namin minamadali yung mga bagay na yun."


Lumabas sa telebisyon kagabi, February 25, ang balitang magpapakasal na diumano ngayong taon si Anne Curtis at ang boyfriend nitong si Erwan Heussaff, ayon sa kapatid ng Kapamilya star na si Jasmine Curtis-Smith.

Pero itinanggi kaagad ito ni Anne sa panayam sa kanya ng media ngayong Biyernes, February 26.

Ayon sa actress-TV host, nakausap niya si Jasmine tungkol dito at sinabi sa kanya ng nakababatang kapatid na mali ang tono ng lumabas na balita.

“Hindi, hindi nga daw, e. Sabi ko, 'What’s this?'

“Nabasa ko last night on my Twitter account.

“Sabi niya, mali lang daw yung wording… parang typical headline of a news show, pero yung content, iba naman.”

Hindi ba siya naiinggit na ang mga kabarkada niyang sina Solenn Heussaff, Isabelle Daza, at Georgina Wilson ay engaged na lahat?

Sagot ng It’s Showtime host, “Hindi, kasi it comes in their own right time.

“And ako, napaka-career driven ko.

“And once you decide kasi na handa ka nang magpakasal, dapat handa ka na ring i-give up kung ano yung meron ka sa career mo, kasi mag-iiba ‘yan.

“Sa ngayon kasi, Erwan and I, we're very much happy.

“Pero we're very much career-driven so di namin minamadali yung mga bagay na yun.”

Ilang taon na rin ang relasyon nila ni Erwan, pero sa estima ni Anne, baka in two or three years pa sila lumagay sa tahimik.

Saad ng 31-year-old actress-TV host, “In the next two to three years siguro, yun, I think.

“I think yun yung tamang edad [34-35] base sa mga nakikita ko, like si Karylle, Toni Gonzaga…

“Yung mga ganung age, I think yun yung tama na ano, na na-maximize mo na yung career mo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Anne sa grand presscon ng I Love OPM, na ginanap sa Studio 2 ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni Anne na humarap sa press ang tinaguriang mga 'Himmigration Officers' na sina Lani Misalucha at Martin Nievera. Hindi nakadalo si Toni Gonzaga dahil may importanteng meeting daw itong pinuntahan.

Sumalang din sa presscon ang 12 'touristars' na nakapasok na sa gate one ng kumpetisyon.

HAPPY FOR JASMINE. Sa kabilang banda, masaya rin si Anne para kay Jasmine dahil sa bago nitong manliligaw na si Jeff Ortega, isang businessman at surf instructor sa La Union.

Read: Jasmine Curtis-Smith spotted being 'cozy' with non-showbiz guy

Sabi ni Anne, “Basta kung saan masaya yung baby girl ko, ayaw kong mag-confirm or mag-deny ng anything for her, kasi siya naman yun, e.

“Basta ako, anything, I’m so happy.”

Base sa tono ng boses ni Anne, halatang boto siya kay Jeff para sa kapatid.

Pagsang-ayon naman niya, “Yes. Ang plus factor kasi sa akin ay yung nagri-reach out sa family, hindi lang sa akin, kundi kay Mommy at kay Daddy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN