FIRST READ ON PEP. James Reid and Nadine Lustre share thoughts on how to make their relationship work

Inspiradong-inspirado raw ngayon sa kanilang trabaho ang reel-real couple na sina James Reid at Nadine Lustre. Gagawin daw nila ang lahat para mag-work at tumagal ang kanilang relasyon.


Nagpaunlak ng panibagong interview ang magkasintahang sina James Reid at Nadine Lustre sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hapon ng Linggo, February 28.

Naganap ang panayam sa Palma Hall ng University of the Philippines, Diliman, Quezon City, sa set ng ginagawa nilang bagong pelikula na This Time.

Sa nasabing interview, muling inusisa ng PEP sa dalawa kung paano ang nangyaring ligawan sa kanila.

Sagot ni Nadine, “Wala pong ligaw stage, it was different kasi when you say ligaw, it’s getting to know the person, e. Pero kasi kami, ang tagal na naming magkakilala.”

Sinang-ayunan naman ito ni James na sweet na sweet sa girlfriend habang nasa gitna ng interview.

Read: JaDine Love Story: A Timeline

Kumportableng-kumportable panoorin ang dalawa sa buong takbo ng interview. Hindi ba sila nakaramdam ng "awkwardness" sa shooting nila ngayong real couple na talaga sila?

Sabi ni James, “Nope. No awkwardness.”

Kuwento naman ni Nadine, “I guess sa awkwardness with shooting lang siguro kasi we’re not used to it yet.

“Kasi ang tagal naming sinamahan… ang tagal naming naging Clark and Leah [On The Wings Of Love], e, so ibang-ibang character na [ngayon].

“So, siyempre dapat as actors, dapat mahiwalay namin siya nang bongga kina Clark and Leah. Kaya nangangapa pa kami nang konti, but I think we’ll get used to it din.”

Read: James Reid and Nadine Lustre now officially a couple

(Photo by: Arniel Serato)

“ANG SARAP MAGTRABAHO.” Habang naghihintay kami sa break nila sa shooting, nakausap din ng PEP si Bret Jackson, best friend ni James at kasama rin nila sa pelikula.

Sabi ni Bret, ang sweet daw ng dalawa sa loob ng tent nilang tatlo. “Cheesy” pa nga ito kung ilarawan ng actor.

Natatawang sabi ni James tungkol dito, “Cheesy, no? Well, he’s happy for us. He’s happy, a little bit annoyed why it happened.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Nadine, “But he’s tweeting about it.”

Paano naman nila masasabing inspirasyon nila ang isa’t isa ngayon?

Nakangiting sabi ni Nadine, “Ang sarap magtrabaho.”

Tugon ni James, “That’s true. Ever since we started, uhm, even if we’re tired, even if we have problems, we wake up in the morning and feel excited to go to work.

“Because, I know she’d be there.”

HOW TO MAKE THE RELATIONSHIP WORK. Karamihan ng mga magka-love team sa showbiz ay na nauwi sa totohanan ay hindi rin nagkakatuluyan.

Paano kaya nila plano na magtagal at magiging maayos ang kanilang relasyon?

Medyo nahirapang sumagot ang dalawa sa tanong na ito.

Kalaunan, sabi ni James, “Well, we’ve been friends now for two years. We work almost every day together.

“And we never fight… only one fight, sa premiere night.”

Sabat ni Nadine, “And ayoko nang maulit.”

Pagpapatuloy ng binata, “Also, we’re very comfortable with each other.

"I don’t know how… we work hard together, I don’t know. I guess now that we we’re in love, it’s easier.”

Pagsang-ayon ni Nadine, “Yeah, feeling ko rin it’s gonna be easier for both of us.

“I mean, hindi ko po alam, yeah, but there would be challenges but kaya naman namin, ang hirap sagutin, e.”

“I DIDN’T DO IT FOR THE FANS.” Sa huli, nanindigan pa rin si James na hindi niya ginawa ang pag-amin sa publiko na sila na ng ka-love team na si Nadine, para sa kanilang mga fans na tinaguriang #JaDine.

Aniya, “Uhm. I’m happy, you guys are happy. But I didn’t do it for the fans.

“I did it because it’s what I wanted, it’s what I needed to…”

Read: James Reid on girlfriend Nadine Lustre: 'She became my friend first before we fell in love.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN