DJ Durano speaks up about Wenn Deramas's death: "Walang DJ Durano kung walang Direk Wenn."

DJ Durano reveals that in his last talk to Wenn Deramas, the director said that he was at peace with his life. "Sa buhay niya ngayon, may nakapagsabi sa akin na wala daw siyang mahihiling sa buhay niya."


“Walang DJ Durano kung walang Direk Wenn.”

Ito ang madamdaming pahayag ng aktor na si DJ Durano tungkol sa yumaong direktor na si Wenn Deramas.

Pumanaw ang box-office director noong Lunes ng umaga dahil sa cardiac arrest.

Pumunta si DJ sa unang araw ng burol ni Direk Wenn sa Arlington Memorial Chapels, Araneta Avenue, Quezon City, nitong Lunes, February 29.

Ayon sa aktor, pumunta siya agad sa burol ni Direk Wenn nang malaman niya ang nangyari sa taong naging malaking bahagi ng kanyang buhay—sa trabaho at sa personal.

Pahayag ni DJ, “It was difficult because everybody knows that Direk Wenn was my mentor and actually talagang he gave me the biggest break sa industry.

“And he’s a loss sa buong industriya. Napakagaling na direktor.

“I’m lost for words because I only have gratitude.

“And we were supposed to do a teleserye. I was informed he was trying to get me sa isang teleserye.”

Karamihan sa mga naging proyekto ni Direk Wenn—sa TV man at pelikula—ay laging kasama si DJ.

Inamin ni Direk Wenn na nagkaroon sila ng relasyon ni DJ.

Tumagal ng sampung taon ang kanilang relasyon bago sila nagdesisyong maghiwalay noong February 2013.

Read: FIRST READ ON PEP: Director Wenn Deramas finally reveals 10-year relationship with actor DJ Durano

Minsan na ring inamin ni DJ na nagkaroon sila ng “deep relationship” ni Direk Wenn noon.

Naghiwalay at nagkatampuhan man sila, nagkapatawaran at naging mabuting magkaibigan din sila kalaunan.

GRATITUDE FOR DIREK. Puro pasasalamat lamang daw ang mensahe ni DJ sa kanyang mentor at dating karelasyon.

“I only have kind words for Direk Wenn.

“And gusto kong sabihin sa kanya, 'Thank you, thank you, thank you.'

“Hindi lang sa akin [kundi] sa mga kasama ko, sa mga nabigyan niya ng break.”

Nalaman din daw ni DJ mula sa mga kakilala na ibinibilin siya ng direktor sa mga kasamahan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa mga nakausap ko sa ABS [CBN] na ibinibilin niya, ‘Kayo na bahala kay DJ.’

“Parang, ‘Huwag niyong pabahayan si DJ. Bigyan niyo ng work.’

“Lagi niyang sinasabi, 'Dapat ang mga katulad mo, hindi nawawalan ng puwang sa industriyang ito, dahil maraming naniniwala sa talento mo, hindi dahil sa binibigyan kita ng trabaho. Because you deserve it at alam ng tao na pinaghirapan mo kung anong meron ka.'

Diin pa ni DJ, “But still, walang DJ Durano kung walang Direk Wenn.”

CONTENT WITH HIS LIFE. Ibinahagi rin ni DJ ang pinakahuling pag-uusap nila ni Direk Wenn.

“Last time na nakapag-usap kami, sabi niya, ‘Alam mo, Deej, happy na ‘ko sa buhay ko,’ sabi niya.

“’I’m happy where I am. I have my own life. Happy ako kung asan ako.’

“Honestly, sabi ko, ‘Happy ako for you, Direk, kasi sobra kang naging kaibigan.’”

Patuloy pa ng aktor, “May nakapagsabi pa nga na may nakausap nga daw na isa na he’s at peace now.

“Sabi niya, ‘Alam mo, ang gaan-gaan ng buhay ko. I found the Lord.’”

Nagsasalita rin daw si Direk tungkol sa life after death.

“Sa buhay niya ngayon, may nakapagsabi sa akin na wala daw siyang mahihiling sa buhay niya.”

Puring-puri rin niya ang direktor sa pagiging mabait at mapagbigay.

“Wala siyang masamang tinapay.

“Kahit na alam mo yung magtatampo ‘yan, pero isang lapit mo lang diyan, okay.”

Sinabi rin ni DJ na hindi niya nakakalimutang magpasalamat lagi sa direktor na naging mahalagang bahagi ng kanyang buhay. Maging mga kamag-anak daw niya ay alam ito.

“I always say thank you, hindi ako nakakalimot.

“Lingid sa kaalaman ng iba na hindi ako nakakasama sa mga proyekto niya.

“But still, hindi ako nakakalimot because lagi akong naniwala na sa industriyang ito, dapat may gratitude ka sa lahat.

“Yung talent andyan lang ‘yan, pero kung marunong kang lumingon sa pinanggalingan mo, marunong kang makisama, ultimo sa kaliit-liitan na tao, yun ang magdadala sa buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ka mawawalan ng trabaho sa industriyang ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN