Comedian Atak Araña recalls last moments of director Wenn Deramas

"Isa sa [mga] mabuti at mabait na kaibigan sa aming mga kaibigan at maging kaninuman na tinutulungan niya, dahil ang puso ni Direk Wenn ay isang may takot sa Diyos," says Atak, who was with Wenn Deramas when the director passed away.


Nasaksihan ng komedyanteng si Ronie “Atak” Araña ang mga huling sandali ng direktor na si Wenn Deramas.

Kasama si Atak nang sumugod si Direk Wenn sa Capitol Medical Center pagkatapos malaman ng direktor ang nangyari sa kanyang nakatatandang kapatid na si Mary Anne, na dead on arrival na nang madala sa nasabing ospital.

Dahil sa nangyari sa kapatid, nagkaroon ng cardiac arrest si Direk Wenn na ikinasawi ng kanyang buhay.

Read: Box-office director Wenn Deramas dies after cardiac arrest

Isa si Atak sa madalas mapabilang sa mga proyekto ni Direk Wenn; kagaya ng mga teleseryeng Flordeliza at Wansapanataym: Susi Ni Sisay, at pelikulang Wang Fam.

Pahayag ng komedyante tungkol sa pagpanaw ni Direk Wenn, “Sa buong araw ngayon na wala na si Direk Wenn, naibigay na rin namin yung aming pagmamahal sa kanya.

“At saka wala na akong iiiyak, alam ni Direk Wenn yun.

“Dahil magkasama kami buong araw kahapon, bago siya mamatay.

“Hanggang sa last breath niya, ako yung kasama niya.”

Dagdag niya, “Malaking kawalan sa industriya, so ang iniwan ni Direk Wenn, sa ating lahat ay salitang comedy na talagang tumatak sa ating lahat, may halong drama sa buhay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Atak sa unang gabi ng lamay ni Direk Wenn sa Arlington Memorial Chapels, Araneta Avenue, Quezon City, nitong Lunes, February 29.

DIREK’S LAST MOMENTS. Ayon kay Atak, labis ang hinagpis ni Direk Wenn sa sinapit ng kanyang kapatid na isinugod sa ospital.

Lahad niya, “Paglabas niya sa ER, humagulgol siya.

“Nung niyakap namin siya, dun na nag-start na di siya makahinga.

“Ang bilis ng pangyayari, hanggang inawat na siya namin, at saka tumawag ako ng doctor.

“Ni-revive na siya kaagad. Hanggang maraming proseso, matagal na matagal, matapos hindi naagapan talaga.

“Sobrang sakit dahil nung hindi siya makahinga, niyakap ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka yung kamay niya, sobrang higpit sa kamay ko.”

Para raw gustong sabihin ni Direk Wenn kay Atak na manatili siya sa tabi nito.

Nang mapansin daw ni Atak na lumulubha na ang atakeng nararanasan ni Direk Wenn, tinawag niya ang doktor at nurse upang humingi ng tulong.

Pero hindi na na-revive ang direktor.

“Wala, e, hanggang ganun na lang talaga ang ano ni Lord sa kanya,” sabi ni Atak.

DIREK WENN'S CHILDREN. Pero ayon kay Atak, napaghandaan na ng direktor ang kanyang mga maiiwan, kagaya ng dalawang anak nito.

“Yung mga anak niya ngayon, naayos naman namin.

“Hindi naman namin pababayaan yung dalawa, at saka lahat ‘to naplano niya.

“Hindi naman niya kami iiwan na hindi naman namin kayang tumayo, dahil ang ganda ng foundation sa amin na matulungan ang mga artista na magsisimula pa lang.

“At ang mga anak niya, sigurado na makakatapos ng pag-aaral dahil sa kanyang paghahanda rin at dahil sa kanyang pagsasakripisyo, pagsisikap, naging magandang buhay.”

Inilarawan ni Atak si Direk Wenn bilang isang mabuting ama at ina sa mga anak niya.

“Isa sa [mga] mabuti at mabait na kaibigan sa aming mga kaibigan at maging kaninuman na tinutulungan niya, dahil ang puso ni Direk Wenn ay isang may takot sa Diyos.”

GUARDIAN ANGEL. Sinabi rin ni Atak na si Direk Wenn ang kanyang “guardian angel” dahil tinulungan siya nito upang makabangon muli.

“Nagsugal ako, hindi magandang nangyari sa akin for the past five years.

“So, nagbago ako, binago ako ni Direk, two years lang.

“So, sabi ko, ‘Lord, salamat talaga kay Direk Wenn, ginawa mong instrument.’

“Tapos dinadala ako sa church kaya tuluy-tuloy ang pagsisimba namin pag Sunday.

“Kaya pinapagalitan niya ako kapag tumanggap ng raket pag Sunday.

“Gusto niya kung mag-raket man ako, pag out-of-town o out-of-the-country, basta una simba talaga.”

Dugtong pa ni Atak, si Direk Wenn ang tipong hindi pinapairal ang pagkakaibigan pagdating sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mapagmahal na kaibigan at kapamilya raw ito sa labas ng trabaho.

Si Direk Wenn din daw ang tipo na mahilig mag-share ng Bible verses sa kanyang mga kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN