Gerald Anderson pays tribute to the late box-office director Wenn Deramas

Gerald Anderson on the late film and TV director Wenn Deramas: "Ang naalala ko lang sa kanya is kung paano ikinukuwento sa akin ng ibang tao ang tungkol sa kanya. Kung paano siya nagtatrabaho, how passionate he is pagdating sa work niya. Mapa-TV man or movie, laging hit sa ratings, box office. Sobrang genius niya."


Bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ng film at TV director na si Wenn Deramas mula sa malalapit na kaibigan at mga nakatrabaho nito sa industriya.

Sumakabilang-buhay si Direk Wenn nitong Lunes, February 29, nang atakihin siya sa puso matapos masawi ang kapatid nitong dead on arrival (DOA) naman sa Capitol Medical Center.

Read: Box-office director Wenn Deramas dies after cardiac arrest

Kabilang sa mga nakiramay si Gerald Anderson.

Ikinagulat daw ng Kapamilya actor ang biglaang pagpanaw ni Direk Wenn lalo't magkalapit lang sila ng bahay sa Quezon City.

Lahad ni Gerald, “Nagulat talaga tayong lahat.

“Paggising ko, sinabi sa akin ng [road manager] ko na wala na siya. Sabi ko, ‘Ha?’

“Kapitbahay ko siya, e.

“Every time na magba-basketball, nakikita ko yung bahay niya or lagi ko siyang nakakasalubong or yung kotse niya.

“Ganun kadali, parang wala na, so enjoy-in niyo lang yung buhay niyo every day.

“Yun dapat lagi niyong kasama yung mga mahal niyo sa buhay, kasi once na mawala yun, di ba?”

LAST PROJECT. Matagal-tagal na rin nang huling nakatrabaho ni Gerald si Direk Wenn.

Ito ay sa Kapamilya teleserye Maligno na pinagbidahan nina Cluadine Barretto, Rafael Rosell, at Diether Ocampo noong 2008.

Sa maiksing panahon na nakatrabaho ni Gerald si Direk Wenn, mataas na ang pagtingin dito ng aktor, lalo na sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho.

Aniya, “Alam mo, hindi ko siya masiyado nakatrabaho, dun lang sa isang show, Maligno, sobrang tagal na nun.

“That was the only show na nakatrabaho ko si Direk Wenn and sobrang bata pa ako.

“Ang naalala ko lang sa kanya was kung paano ikinukuwento sa akin ng ibang tao ang tungkol sa kanya.

“Kung paano siya nagtatrabaho, how passionate he is pagdating sa work niya.

“Mapa-TV man or movie, laging hit sa ratings, box office.

“Sobrang genius niya.”

Bukod dito, napahanga rin si Gerald kung paano pahalagahan ni Direk Wenn ang kanyang mga minamahal sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naalala ko nag-dinner or nag-lunch kami sa bahay niya, sobrang mahal niya yung nanay niya.

“Yun, just yung values niya bilang isang tao.

“Kita mo yung mga post ng ibang tao, kung ano yung sinasabi tungkol sa kanya.

“Dun pa lang makikita mo kung gaano siya kabuting tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN