Patuloy ang pagbuhos ng birthday greetings para kay Maine Mendoza, na nagdiriwang ng kanyang ika-21 birthday ngayong araw, March 3.
Sa pamamagitan ng social media, nagpaabot ng pagbati para kay Maine ang ilan sa mga kilalang personalidad sa loob at labas ng bansa.
Kabilang na rito ang international best-selling author na si Lang Leav, ang author ng bestselling books na Love & Misadventures, Lullabies, at Memories.
Bukod sa kanyang birthday greeting, tinukso pa ni Lang si Maine:
Happy Birthday @mainedcm ?????????? Hope @aldenrichards02 spoils you on your special day ??????
— Lang Leav (@langleav) March 2, 2016
Matatandaang noong Valentine’s Day ay isang tula ang ginawa ni Lang para kina Maine at Alden.
Bumati rin kay Maine ang partner ni Lang, ang New Zealander author na si Michael Faudet, via Twitter.
May kalakip pang isang tula ang pagbati nito sa Kapuso star:
Wishing you a very Happy Birthday @mainedcm The world is a far more interesting place with you in it. xo pic.twitter.com/HbbXhfGYrH
— Michael Faudet (@MichaelFaudet) March 3, 2016
Maging ang American singer na si Bryan White ay bumati kay Maine.
Happy birthday @mainedcm Hope it was an awesome day! God's continued blessings ?? #VoteMaineFPP #KCA
— bryan_white (@bryan_white) March 3, 2016
Si Bryan ang kumanta ng naging theme song ni Alden para kay Maine na "God Gave Me You."
Nag-post din ng kanyang pagbati ang co-star ni Maine sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na My Bebe Love: #Kiligpamore, si Ai-Ai delas Alas.
Isang mahabang mensahe naman ang ipinost ni Christine Babao kay Maine via Instagram.
Nagkatrabaho ang dalawa sa My Bebe Love, kung saan nagkaroon ng special participation si Christine.
Idinetalye pa ni Christine ang bonding at kuwentuhan nila ni Maine nang magkasama sila sa shooting.
Binati rin si Maine ng ama ni Alden na si Richard Faulkerson via Twitter:
Happy Happy birthday Meng! ?????
— Richard Faulkerson© (@R_FAULKERSoN) March 2, 2016
Bago ang kanyang actual birthday, sinorpresa si Maine ng kanyang loyal fans noong Miyekules ng gabi, March 2.
Read: Maine Mendoza gets an early birthday surprise from loyal fans
Ngayong tanghali naman ay mayroon ding birthday celebration para kay Maine sa noontime show na Eat Bulaga.
Pero ang main celebration, na tinaguriang "The Maine Event", ay magaganap sa Sabado, March 5.
Ayon kay Maine, wala na siyang mahihiling ngayong birthday niya kundi "good health" at "stable career."
