Maine Mendoza addresses her bashers: "Humarap muna kayo sa salamin."

Maine Mendoza to bashers: "Para naman sa nagpapabagsak sa amin, sa mga naninira, ang message ko lang po sa inyo, God bless. Alam niyo naman na walang maganda o mabuting maidudulot ang ginagawa niyo, pero ginagawa niyo pa rin. Sana imbes na maghanap kayo ng mali sa amin, ng kapintahsan sa amin, sana humarap muna kayo sa salamin kasi pare-pareho naman tayo na hindi perpekto. Lahat tayo nagkakamali."


“Sana makita ko yung pangalan ko sa big screen, yung bida na ganun. Yun ang wish ko sa birthday ko.”

Ito ang ibinahagi ni Maine Mendoza sa kanyang birthday celebration na ginanap ngayong Sabado, March 5, sa Eat Bulaga.

Patuloy ng phenomenal star, “Nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi sa opportunity na ibinigay na ito sa akin, sa pagkakataon.

“Sobrang daming blessings na ibinibigay sa amin, ni Alden [Richards], sa family ko.”

Pinasalamatan din ng tinaguriang Dubsmash Queen ang kanyang management, ang TAPE Inc., dahil sa pagkakataon at pag-aalagang ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Pinasalamatan din ni Maine ang kanyang mga kasamahan sa trabaho, sa likod at harap ng camera, at ang mga taong bumubuo sa Eat Bulaga.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Maine ang mga fans nila ni Alden, ang AlDub Nation.

Para sa huling bahagi ng kanyang speech, nagbigay ng mensahe si Maine sa bashers niya at ng AlDub.

“Para naman sa nagpapabagsak sa amin, sa mga naninira, ang message ko lang po sa inyo, God bless.

“Alam niyo naman na walang maganda o mabuting maidudulot ang ginagawa niyo, pero ginagawa niyo pa rin.

“Sana imbes na maghanap kayo ng mali sa amin, ng kapintahsan sa amin, sana humarap muna kayo sa salamin kasi pare-pareho naman tayo na hindi perpekto. Lahat tayo nagkakamali.”

Patuloy ni Maine, “Ngayon lang ako magsasalita.

“Hindi ako Diyos, pero sigurado ako at sinasabi ko sa inyo, yung hindi magandang ginagawa niyo sa kapwa niyo, babalik din sa inyo.”

Nito lamang February, sa pamamagitan ng kanyang Snapchat account, sinagot ni Maine ang kanyang mga kritiko, gaya ng mga tumawag sa kanya ng pangit,' 'chaka,' 'malaki ang bunganga,' at 'mukhang katulong.'

Read: Maine Mendoza answers hate tweets calling her 'pangit, chaka, mukhang katulong'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN