Alden Richards to Maine Mendoza: "Hindi kita pababayaan. Aldub you."

Alden Richards to Maine Mendoza: "Basta andito lang ako. Hindi kita pababayaan, lahat ng sinasabi ko sa 'yo, totoo. Aldub you."


Pinaghandaan ni Alden Richards ang birthday celebration ng kanyang onscreen partner na si Maine Mendoza, na nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan sa episode ng Eat Bulaga! nitong Sabado, March 5.

Ngunit noong March 3 pa ang aktuwal na kaarawan ng Dubsmash Queen.

“Nag-isip talaga ako, kasi it only comes once a year.

“So, ang naisip ko is yung letters ng name mo, may equivalent na gift,” pahayag ni Alden kay Maine.

Parang sa letter M, isang medalyon ang ibinigay ni Alden sa Dubsmash Queen.

“St. Benedict's medallion for you. It will serve as protection for you, from all harm and sickness, saka sa mga bad spirit, para kahit papa'no meron kang protection. Blessed na rin 'yan.”

Sagot naman ni Maine dito, “Teka, parang sa 'yo ko yata gusto mabigay. Kasi naman mag-iingat ka.”

Nitong Biyernes ng umaga, March 4, nasangkot sa isang minor car accident si Alden.

Read: Alden Richards unhurt in car accident

Para sa letter A, alaga o pet naman ang ibinigay ni Alden—isang pares ng love birds.

“Unang-una, di ba, yung mga love birds, hindi sila puwedeng mag-isa.

“Kailangan lagi silang magkasama, kasi pag wala yung isa, hindi magiging masaya ang isang pares.”

Para sa letter I, illustration o caricature nilang dalawa ni Maine ang ibinigay ng aktor.

“Alam ko marami nang nagbibigay sa 'yo nito; [mula] sa mga nagmamahal sa yo, mga supporters natin.

“Pero sana maging extra special ito kasi sa 'kin talaga ito galing.”

Para sa letter N, notebook at pen ang regalo ni Alden kay Maine.

“Sana starting today, pag may naiisip ka, random thoughts—ikaw random thoughts pa more ka, e...

“May magagandang pangyayari sa 'yo o kahit ano'ng pangyayari sa buhay mo, isulat mo lang siya para pag tumanda ka na, tumanda tayo, meron tayong babalikang dalawa.”

Ikinakilig naman ng mga tao sa audience ang gift ni Alden kay Maine para sa letter E.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong letter E na ito is for your eyes only.”

Ang nasabi ni Alden para sa misteryosong gift: “Pag handa ka na, ako'ng magsusuot sa 'yo nito. For your eyes only.”

MESSAGE TO MAINE. Malaman din ang mensahe ni Alden para kay Maine.

“Message ko sa 'yo, alam ko marami tayong nagiging detractors, tayong dalawa.

“Minsan dahil sa detractors na yun, minsan hindi tayo nagkakaintindihan.

“Gusto ko lang sabihin sa 'yo na lahat gagawin ko, yung mga wish mo, wish mo sa 'kin, sa ating dalawa, gagawan ko ng paraan 'yan, Maine.

“Tsaka kahit nasaan ka pa, darating ako.

“Lahat ng tao sinusubukan tayong ibaba. Alam mo 'yan.

“Basta andito lang ako. Hindi kita pababayaan, lahat ng sinasabi ko sa 'yo, totoo.

“Aldub you.”

Ibinunyag ni Maine na ilang araw na siyang nagtatampo kay Alden, pero hindi niya sinabi ang dahilan.

“Sobrang na-appreciate ko yung gifts mo ngayon, knowing na sa 'yo talaga siya galing.

“Marami akong gustong sabihin sa 'yo, pero alam mo na yun, parang paulit-ulit kong sinasabi sa 'yo, tsaka pinaparamdam.

“Pero maraming salamat kasi alam ko naman andyan ka lang lagi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN