Bininyagan na ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Juana Luisa o Baby Luna ngayong Linggo, March 6.
Ginanap ito sa isang Catholic church at dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan ng mag-asawa.
Ibinahagi naman ng talent manager na si Noel Ferrer sa kanyang Instagram account ang ilan sa mga naging kaganapan sa binyag ni Baby Luna.
Magdadalawang buwan pa lang si Baby Luna. Matatandaang ipinanganak siya ni Judy Ann noong January 8.
READ: Judy Ann Santos gives birth to third child with hubby Ryan Agoncillo