Alden Richards rents private plane to surprise Maine Mendoza in Boracay

Sinorpresa ni Alden Richards ang katambal niyang si Maine Mendoza nang magpunta siya sa Boracay, kung saan nagbabakasyon ang Dubsmash Queen kasama ang mga kaibigan, sakay ng inarkila niyang private plane.


Umarkila ng private plane ang Pambansang Bae na si Alden Richards papuntang Boracay upang sorpresahin ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza nitong Linggo, March 6.

Sa episode ng “Kalyeserye” sa Eat Bulaga! ngayong Lunes, March 7, ay inusisa ng tatlong lola—Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Tinidora (Jose Manalo)—ang naging bakasyon nina Alden at Maine sa Boracay.

At dito nga sinabi ni Alden na nagdesisyon siyang umarkila ng private plane, sa halip na kumuha ng regular flight, para masorpresa talaga si Maine.

Ang pagpunta ni Maine sa Boracay ay post-birthday celebration niya kasama ang kanyang malalapit na kaibigan.

Kasalukuyang nasa Boracay pa si Maine, habang si Alden naman ay bumalik na rin kaagad sa Maynila kahapon dahil kailangan niyang balikan ang kanyang commitments.

Birong tanong naman ni Lola Tidora kay Alden kung may “commitment” na rin ba sila ni Maine.

Ngumiti lang si Alden at hindi sinagot ang tanong.

Pero tiniyak ni Alden na sobrang nag-e-enjoy at masaya talaga si Maine sa bakasyon niyang ito.

Ipinakita rin ni Alden ang ilang mga kuha nila ni Maine habang ini-enjoy ang ilang activities sa Boracay; gaya ng pagsakay sa speedboat, snorkeling, parasailing, at jet skiing.

Kuwento pa ni Alden, habang nasa ere sila sa kanilang parasailing ay nakapag-usap sila ni Maine nang masinsinan tungkol sa kanilang future.

Marami sa AlDub Nation ang natuwa sa ginawang sorpresa na ito ni Alden kay Maine, na lalong bumuhay sa pag-asa nilang magkaroon na rin ng relasyon ang dalawa sa tunay na buhay.

Matatandaang sa birthday celebration ni Maine sa Eat Bulaga! noong Sabado, March 5, ay naganap na ang pinakahihintay na unang lips-to-lips nina Alden at Maine.

Nang aktong hahalikan ni Maine si Alden sa pisngi ay biglang inilapat ng aktor ang kanyang mga labi sa labi ng kapareha.

Dahil dito, marami ang nag-i-speculate na posibleng totohanan na ang nararamdaman nina Alden at Maine para sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Alden Richards kisses Maine Mendoza on the lips


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN