Dennis Trillo confirms exclusively-dating status with Jennylyn Mercado

Dennis Trillo on relationship with Jennylyn Mercado: "Tulad ng sinabi ko dati, hindi namin binigyan ng status ang kung ano namin na magbigay ng kung anu-ano. Bahala na sila kung ano ang isipin nila, basta masaya lang kami, yun naman ang importante dun."


Kung “exclusively dating” ang turing ni Jennylyn Mercado sa relasyon nila ni Dennis Trillo, wala naman daw masasabing status ang aktor dahil mas mabuting tahimik at pribado lang daw ang kung anumang relasyon nila ng aktres.

Saad ni Dennis, “Ako, nandito pa rin sa sitwasyon na hindi magsasabi ng status.

“Kasi, pareho kaming masaya lang, enjoy.

“Tulad ng sinabi ko dati, hindi namin binigyan ng status ang kung ano namin na magbigay ng kung anu-ano.

“Bahala na sila kung ano ang isipin nila, basta masaya lang kami, yun naman ang importante dun.”

Pero naniniwala ba siya sa kasabihang ‘love is lovelier the second time around’?

Nakangiting sagot ng Kapuso actor, “Totoo yun, may kakilala ako na ganun ang nangyari sa kanila. Totoo daw yun, e.”

Bago ang kung anumang namamagitan kina Dennis at Jennylyn ngayon, nagkaroon na sila ng relasyon noon ngunit nagkahiwalay.

Pero noong 2015 ay nagkabalikan sila.

EXCLUSIVELU DATING. Tumango lang naman si Dennis nang tinanong uli ng ilang reporters kung “exclusively dating” nga ba sila ni Jennylyn.

Read: Jennylyn Mercado admits she and Dennis Trillo are exclusively dating

“Ganun na nga,” tipid niyang sagot.

May natutunan naman daw sila sa una nilang relasyon na naa-apply nila ngayon.

Pahayag ng 34-year-old actor, “Siyempre mas kilala na namin ang isa’t isa, alam na namin, kaya mas nakakatulong siguro yun.

“Saka matured na kaming pareho.

“Yun talaga ang importante na marami ka na na-realize, na dapat i-correct sa ugali mo, sa mga nangyari sa buhay mo.”

Dagdag ni Dennis, “Basta masaya kami. 

“Maiksi lang ang buhay, e, dapat laging happy.

“Hindi mo alam kung ano… maraming nawawala ngayon.

“Kailangan mas ma-appreciate natin ang bawat araw.

“Ma-appreciate natin bawat tao at lahat na biyayang natatanggap natin.”

BEST ACTOR AWARD. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa 32nd Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na ginanap noong Linggo, March 6, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dennis ang itinanghal na Best Actor para sa pagganap niya sa pelikulang Felix Manalo. Ka-tie niya si Piolo Pascual na nanalo naman para sa Silong.

Read: Piolo, Dennis tied for Best Actor; Bea wins Best Actress in 32nd Star Awards for Movies

Bago pa man iginawad kay Dennis ang Best Actor trophy, sinabi niya sa sa PEP na ise-share niya kay Jennylyn ang naturang award.

View: IN PHOTOS: Dennis Trillo dedicates Best Actor win to Jennylyn Mercado

“Siyempre, isa siya sa mga inspirasyon at sumusuporta sa akin,” sambit ng Kapuso dramatic actor.

Gusto nga raw ni Dennis na samahan siya ni Jennylyn sa awards night, pero kalalabas lang nito ng hospital at pinapagpahinga muna ng doktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN