Ai-Ai delas Alas visits Wenn Deramas's grave to say goodbye

Ai-Ai delas Alas went to the cemetery and bid goodbye to her friend Wenn V. Deramas.


Isang larawan ang ipinost ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram account nitong Lunes, March 7, kung saan makikita siya habang nasa tabi ng puntod na may mga bulaklak.

Ayon sa caption, nagpaalam na si Ai-Ai kay “Edwin.” 

Sa obserbasyon ng netizens sa comment section, kay Direk Wenn V. Deramas ang puntod na dinalaw ng Comedy Queen.

Edwin Villanes Deramas ang tunay na pangalan ni Direk Wenn.

Caption ni Ai-Ai sa nasabing Instagram photo: “Ako at si ate na naglilinis ng puntod. Nag-‘Goodbye, Nyay,’ na siya sa ken kaninang umaga. (Nyay tawag n’ya sa ken).

“Nag-goodbye din ako ngayun kay Edwin ... (Yun tawag ko sa kanya hehe).”

Inilibing sa Himlayang Pilipino si Direk Wenn, katabi ang mga labi ng kanyang kapatid na si Mary Ann, nitong Linggo, March 6.

Dumating sa libing ang ilang showbiz personalities na kaibigan at nakatrabaho ni Direk Wenn; tulad nina Vice Ganda, Claudine Barretto, Eugene Domingo, Gladys Reyes, Cherry Pie Picache, Candy Pangilinan, Atak Araña, BB Gandanghari, Candy Pangilinan, at Karla Estrada.

Hindi naman namataan sa libing si Ai-Ai noong Linggo.

Read: Wenn Diramas finally laid to rest

Bukod sa pagiging malapit na magkaibigan, maraming proyekto rin ang pinagsamahan ni Ai-Ai at ni Direk Wenn sa telebisyon at pelikula.

Kabilang na rito ang blockbuster Ang Tanging Ina movie series ni Ai-Ai, na nagluklok sa komedyana bilang Box Office Queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN