Tubig at Langis production clears Cristine Reyes's name in dressing-room incident with Vivian Velez

The production team behind ABS-CBN's afternoon soap Tubig at Langis issues a statement about the dressing-room incident involving co-stars Cristine Reyes (left) and Vivian Velez.


Naglabas na ng opisyal na pahayag ang nasa likod ng produksiyon ng ABS-CBN afternoon soap Tubig at Langis, sa pamamagitan ng Corporate Communications department ng Kapamilya network, kaugnay ng isyu sa pagitan ng dalawa sa mga artista nitong sina Vivian Velez at Cristine Reyes.

Noong Linggo, March 6, ay naglabas ng kanyang saloobin si Vivian at sinabing magre-resign na siya sa programa dahil diumano sa pambabastos sa kanya ni Cristine habang nasa dressing room sila ng kanilang taping sa Bulacan.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Ngayong hapon, March 8, ay nagpadala ang ABS-CBN ng official statement sa iba't ibang media outlets, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan unang lumabas ang isyu nina Vivian at Cristine, mula sa produksiyon ng Tubig at Langis.

Dito ay nilinaw nilang hindi totoong pinaalis ni Cristine si Vivian sa dressing room, taliwas sa salaysay ng beteranang aktres.

Isa lamang daw “miscommunication” ang nangyari at inaako ng production team ang responsibilidad.

Iginiit din nilang walang problema ang staff sa pakikipagtrabaho nila kay Cristine.

Humingi na rin daw sila ng paumanhin kina Cristine at Vivian dahil sa nangyari.

Narito ang kabuuang pahayag ng mga taga-Tubig at Langis:

“Nang magsimula ang produksyon ng Tubig at Langis noong Oktubre 2015 hanggang sa umere ito noong nakaraang buwan ay naging maayos ang lahat sa set ng programa.

“Maayos na nagtatrabaho ang bawat isa, mula sa cast, crew, at staff, kaya naman maganda ang kinalalabasan ng bawat episode.

“Noong nakaraang linggo lamang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa taping ng serye sa pagitan ng lead star nito na si Cristine Reyes at veteran actress na Vivian Velez.

“Narinig na ng karamihan ang panig ni Vivian ngunit may isang punto lang na may kaugnayan sa nangyari sa dressing room ang nais linawin ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi totoong pinaalis ni Cristine si Vivian sa dressing room. Nagkaroon lamang ng miscommunication at inaako ng production team ang responsibilidad dito.

“Sa katunayan, walang problema ang staff sa work ethics ni Cristine at maayos itong nakikisama sa lahat ng katrabaho niya.

“Humingi na kami ng paumanhin kina Cristine at Vivian kaugnay nito.

“Ikinalulungkot namin ang pangyayaring ito sa masayang pamilya na nabuo namin sa Tubig at Langis.

“Naipaliwanag na namin ang aming panig sa dalawang aktres at umaasa kaming matapos na ang isyu sa maayos at magandang paraan.

“Sa kabila nito, makakaasa pa rin ang aming manonood na patuloy kaming magsisikap para magbigay ng makabuluhan at napapanahong kwento sa aming programang Tubig at Langis.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN