PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez on Cristine Reyes's statement: "Let her drown in her own vomit."

Ayaw munang patulan ng beteranang aktres na si Vivian Velez ang inilabas na pahayag ni Cristine Reyes tungkol sa kanilang alitan sa set ng Tubig at Langis. Ang sabi lang niya, "I stand firm with my truth."


Ayaw munang sagutin punto por punto ni Vivian Velez ang inilabas na statement ni Cristine Reyes kaugnay ng kanilang alitan sa set ng teleseryeng Tubig at Langis ng ABS-CBN.

Ang sabi lang ng veteran actress sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules, March 9:

“Let her drown in her own vomit. I'm taking the high road and moving on.”

Nag-ugat ang sigalot ng dalawa nang bastusin diumano ni Cristine si Vivian sa loob ng kanilang dressing room, sa taping ng Tubig at Langis, noong Huwebes, March 3.

Sa pamamagitan ng Facebook, inilabas ni Vivian ang kanyang pagkadismaya sa inasal diumano ng co-star niya sa teleserye.

Sa PEP unang inamin ng tinaguriang "Miss Body Beautiful" na si Cristine nga ang kanyang tinutukoy sa Facebook post niya nitong nakaraang Linggo, March 6.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Ayon naman kay Cristine, sa mahabang statement na inilabas ng Viva Entertainment Inc., ang production ng Tubig at Langis ang may utos na ilipat siya sa dressing room ni Vivian at hindi galing sa kanya.

Gayunpaman, humingi pa rin ng dispensa si Cristine kay Vivian kung nasaktan man niya ito.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes breaks silence on issue with Tubig at Langis co-star Vivian Velez

Nauna na ring ipinagtanggol si Cristine ng kanyang ate na si Ara Mina at sinabi nitong na-"misunderstood" lang daw ni Vivian ang nakababatang kapatid.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes hopes to 'clear the air' with Vivian Velez, says Ara Mina

Dahil sa insidente, nagdesisyon si Vivian na mag-resign na lang mula sa teleserye ng ABS-CBN.

Tatapusin na lang ng beteranang aktres ang nalalabi niyang mga eksena sa show, sa kundisyong hindi niya makakasama sa alinmang eksena si Cristine.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez on Cristine Reyes: 'I will not support a lead actress like her.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I STAND FIRM WITH MY TRUTH.” Sa inilabas namang statement ng production team ng Tubig at Langis, inabsuwelto nila si Cristine at inako ang pagkakasala sa nangyaring kaguluhan sa dalawang aktres.

Read: Tubig at Langis production clears Cristine Reyes's name in dressing-room incident with Vivian Velez

Ngunit nanindigan si Vivian sa kanyang naunang pahayag sa PEP.

Buwelta niya sa statement ng produksiyon: “Understandably, they have a show to protect. But I stand firm with my truth.”

Sa Facebok account ni Vivian ay may pasaring din siya kaugnay ng mga lumabas na statement mula kay Cristine at sa Tubig at Langis production team:

WHITEWASHING as expected...

Posted by Vivian Velez on Tuesday, 8 March 2016

I'm taping my last scenes in the series right now and I feel like I'm walking in the lion's den...

Posted by Vivian Velez on Tuesday, 8 March 2016

Mananatiling bukas ang PEP sa mga pahayag ng mga taong sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN