John 'Sweet' Lapus joins call for change in showbiz industry: "Dapat united, dapat lahat would agree."

John 'Sweet' Lapus explains that people in movie or TV production choose to accept the work despite the hectic working schedule in order get work. "Pag nagpaka-cut-off ka, ba-bye ka na."


Nagiging vocal ngayon ang ilang artista pagdating sa matinding work schedule ng movie at TV productions, bunsod ng sunud-sunod na pagkamatay o pagkakasakit ng ilang mga kasamahan nila sa industriya.

Kagaya ng mga direktor na sina Wenn V. Deramas at Francis Pasion na binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest.

Gayundin ang talent manager/talent coordinator na si Cornelia Lee o Tita Angge, na comatose ngayon matapos atakihin sa puso.

Una nang nanawagan sa social media ang filmmaker na si Quark Henares at ang singer-actor na si Aiza Seguerra na baguhin ang “horrible working hours and conditions” o “awful system” sa produksiyon.

Read: Aiza Seguerra calls for a change in the 'awful' production system

Read: Quark Henares blames 'horrible working hours' as cause of death of directors

Ngayong Miyerkules, March 9, sumang-ayon ang komedyanteng si John “Sweet” Lapus sa usapin ng pagbabago ng sistema sa production at ang pagkakaroon ng cut-off sa trabaho.

Aminado si Sweet na may mga pagkakataong 24 hours ang inaabot ng taping ng mga teleserye, na aniya'y hindi nakabubuti sa artista at sa buong production team.

“Siyempre napakahirap para sa isang artista yung umaga ka na, 24 hours ka na gising, hindi ka na makakaarte nun, lutang na lutang ka na nun,” sabi ng bida ng upcoming horror comedy movie na Echorsis: Sabunutan Between Good and Evil, na ipapalabas sa mga sinehan sa April 13.

Sabi pa ni Sweet, may obligasyon ang artistang husayan ang kanyang performance para sa audience.

“Kung 24 hours ka nang gising, hindi na talaga maganda.

“Minsan sa pelikula, sa TV, halata na: ‘Ay, puyat na ‘to!’ ‘Ay, madaling-araw na ito nakunan.’”

EVERYBODY IS UNITED. Pansin ng komedyante, may mga artista namang may cut-off time sa pagtatrabaho—ibig sabihin, tigil na sa pagtatrabaho pagdating ng takdang oras.

“Of course, obviously, mga big stars ito at mga veterans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila may cut-off, so puwede naman pala.

“Why can’t the [TV] networks do this for all actors at pangkalahatan?

“Siyempre pag may cut-off ang artista, obviously, may cut-off ang staff, may cut-off ang direktor.”

Gayunpaman, kailangan daw na magkaisa ang lahat ng nasa industriya kung gusto nilang baguhin ang nakasanayang sistema.

Ayon kay Sweet, “Dapat united, dapat lahat would agree.

“Kasi kung konti, isang network lang maggaganun o isang group lang, parang, 'A, okay. Kayo may mga cut-off, di na namin kayo kukuning artista, sa staff, ganun din sa direktor.'

“Lalung-lalo na ang dami-daming direktor.

“Pag nagpaka-cut-off ka, ba-bye ka na.”

DIREK WENN. Naniniwala si Sweet na may epekto ang tuluy-tuloy na pagtatrabaho sa kalusugan.

Binanggit pa niya ang nangyari kay Direk Wenn nang sumailalim ito sa operasyon noong nakaraang taon, habang ginagawa ang pelikulang Beauty and the Bestie.

“Nalaman ko yung kay Direk Wenn, nung December pala, he was given the choice by his doctor either [to undergo] angioplasty or bypass [operation].

“Apparently, ang tinanong lang ni Direk Wenn, ano yung mas madaling recovery period.

“Kasi ang iniisip niya, kailangan niyang tapusin ang Metro Manila Filmfest entry niyang Beauty and the Bestie.

“Ang pinili ni Direk Wenn ay angio[plasty].”

Paglilinaw ni Sweet, “Siyempre, hindi naman tayo naninisi rito. Nangyari naman ang mga dapat mangyari.

“But nagkaroon ako ng ‘what if’ sa utak ko. ‘What if kung bypass na lang ang ginawa ni Direk Wenn, baka alive pa siya ngayon.’

“Bypass na lang ta’s yung remaining shooting days niya, iba na lang ang sumalo. Ganun ang iniisip ko.

“Si Direk Wenn, very professional ‘yan.

“Kailangan tapusin niya ang pelikula niya, so imagine ang pinili pa niya, naisip pa niya yung parang alang-alang sa schedule niya.

“As a director, naisip pa niya yun.”

DIREK FRANCIS. Ikinuwento rin ni Sweet ang nangyari kay Direk Francis Pasion, na inatake sa puso noong March 5 sa kanyang tirahan, sa edad na 38.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang huling proyekto ni Direk Francis ay ang ABS-CBN primetime series na On The Wings of Love.

Sabi ni Sweet, “Si Direk Francis, parang wow, 38, walang bisyo, hindi daw nagyoyosi, hindi umiinom.

“Heart attack at the age of 38!

“Malumanay na tao ‘yan, kaibigan ko.

“Pag kausap ko, hindi nga sumisigaw. Hindi stressed.

“Masayang tao and yet hindi mo talaga maaano dahil talaga sa trabaho. Yun talaga ang maiisip mo.

“So, I think it’s really about time na i-consider ng mga networks ang working hours ng mga artista.”

Sinabi pa ni Sweet na may ginagawa nang paraan ang ABS-CBN tungkol sa nangyari.

“Ako, I heard... siyempre magsasalita ako sa ABS-CBN kasi andun ang Doble Kara, na ginagawan na ng paraan.”

Ang Doble Kara ay afternoon soap ng ABS-CBN kung saan kasama si Sweet.

“Yung Doble Kara, under Dreamscape ni Deo Endrinal na boss ko.

“Alam kong as early as now, ginagawan na niya ng paraan.

“Pag sinabi niya, gagawin niya.”

Binanggit din ni Sweet na ang mga huling proyekto nina Direk Wenn (Wansapanataym: Susi ni Sisay), Direk Francis (On The Wings of Love), at Tita Angge (Doble Kara, talent coordinator) ay sa ilalim ng Dreamscape.

Umaasa si Sweet na mapag-aaralan kung ilang working hours ang dapat ilagak sa TV production, kagaya sa US na 10-12 hours.

“Sana yung sapat naman na working hours na hindi naman malulugi yung network at hindi naman mamamatay ang mga artista't direktor.”

Panawagan pa ni Sweet, “Sana magkaroon talaga ng pangmalawakang change sa lahat ng networks, sa lahat ng production company.

“Sana magkaroon talaga ng malawakang change sa working hours dito sa showbiz industry.”

THE SYSTEM. Dugtong pa ni Sweet, may kasalanan din ang indibidwal kung pumapayag siya sa ganitong sistema.

“Kasi pumapayag ka at saka nakasanayan na.

“Ayoko namang magturo, pero pumasok ako sa showbiz, ganyan na ang sistema, puyatan talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the end of the day, tao naman ang may kasalanan, e, tao naman ang gumawa ng sistema na ‘yan, e.”

Pag-amin pa niya, “Sure ako ang artista pumapayag, di ba?

“Guilty ako. Kusa akong pumapayag.”

Alam din daw ni Sweet na hindi siya mabibigyan ng trabaho kung mayroon siyang cut-off.

“Kung sino man ang may kasalanan: director ba ‘yan or executive, yung mga boss mismo, hindi ko alam.

“Basta ‘yan ang nakasanayan.

“So, ang maganda nga, there’s one realization na namamatay at a young age, ang mga director, yun na-connect mo sa stress nila sa work. “

Naniniwala rin si Sweet ang direktor ang siyang nagdadala ng pinakamalaking stress pagdating sa production team.

“Mas stressed ang director kesa sa artista.

“If there’s one person in a taping or a shooting or a live show na stressed, feeling ko yung director ang pinaka-stress.

“Yung sa lineup, malamang yung mga executive producer, yung mga staff, tsaka pa lang yung artista dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN