PEP EXCLUSIVE. Kris Aquino decides to take a hiatus from showbiz for health reasons

"For all of us in showbiz, we make money on our health. Now, if we don't take care of our health, we lose everything," says Kris Aquino about temporarily leaving show business.


Muling nilinaw ni Kris Aquino na ang dahilan ng kanyang desisyong lumayo muna sa showbiz ay para pagtuunan ng pansin ang kalusugan niya.

Sa pakikipag-usap niya sa PEP.ph at YES! editor-in-chief na si Jo-Ann Q. Maglipon kaninang tanghali, March 9, ikinuwento ni Kris ang madalas na pagtaas ng kanyang blood pressure nitong nakaraang mga araw.

“Really, Jo-Ann, my BP has been going from 155/100, 160/105.

“You know, it's partly hereditary. My dad had a heart attack at 47, and his dad at 65.

“The doctor also said that this kind of thing, blood pressure rising, starts from 45 until menopause.”

Hindi raw puwedeng basta-basta ipagsawalang-bahala ni Kris ang ganitong pangyayari sa kanyang kalusugan.

“I know that what I've been doing these 20 years—I entered showbiz when I was 16—cumulatively takes its toll.

“I'm not like my sisters, they're all happily married, they have kids who are all grown up.

“Although Noy [President Noynoy Aquino] doesn't have a family yet.

“But me, I have an eight-year-old and I have a special child.

“You know, the stress adds up when I worry about what will happen to them if anything happens to me.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang dalawa niyang anak: si Bimby, anak niya sa PBA player na si James Yap, at ang kanyang panganay na si Josh, anak niya sa premyadong aktor na si Phillip Salvador.

Walang nababalitang karelasyon si Kris ngayon.

Read: Kris Aquino to leave ABS-CBN after 20 years

WORK TAKING ITS TOLL. Sa tingin ng TV host/actress/movie star/endorser/entrepreneur, ang pagtaas ng kanyang blood pressure ay bunga ng maraming taong tuluy-tuloy na pagtrabaho, na nati-trigger ng sunud-sunod na puyat sa trabaho.

Sabi ni Kris, “You know, I had a full executive check up in September [2015], and I had repeat blood tests after that, and all said I'm perfectly fine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My cholesterol is fine, my blood sugar is okay, I don't have sugar problems. My results are all good.

“It's just pagod and stress—I'm really just tired and stressed out.”

Banggit pa ng TV host-actress, “You know, when I tape, for instance, for four straight days, you can be sure that my BP will go up! So, it's really all pagod.”

Bukod sa pagod sa trabaho, nakadagdag din daw sa stress ni Kris ang mga nababasa niya sa social media.

“You cannot imagine the stress of being bashed every day, of people making comments every day about how you look, what you said, what your brother did...

“I have to take it every day. Nobody knows how that feels.

“And I cannot just ignore the comments. I appear on cam Monday to Friday, so I always get comments.

“You can imagine that, after a time, it takes its toll.”

Kaya naman natatawang sabi ng 45-year-old TV host, “The very thing that makes you a success is the very thing that will make you sick.”

Dagdag ng tinaguriang Queen of All Media, “I'm very intense. I invest my emotions in the work.

“I'm really into it when I'm on the job, which is why now I have to back down a bit.

“The doctors talked to me, in conference, and said, 'We can up the dosage of your medication, but you still need to help us!'

“I don't want to up my dosage, so I really have to do something.”

Dahil sa kanyang mga nararamdaman, napagtanto rin daw ni Kris, “For all of us in showbiz, we make money on our health.

“Now, if we don't take care of our health, we lose everything.

“You know, we have to space the breaks.

“According to the doctor, it should be, every few months we should take a ten-day break.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Kris, ang madalas at nakakaalarmang pagtaas ng kanyang blood pressure ay nagsilbing “wake-up call.”

“This is really a wake-up call, and I have to take advantage of this time when my contract is up.

“After all, I've been working 20 years straight. I need the rest. I need to go to a place where I can feel calm.”

Dagdag pa ni Kris, “You know, Jo-Ann, I'm okay.

“I'm in a much better place than others were, who have worked even longer and who left ABS.

“But, you know, who can say they've worked 20 years straight? Very few.”

Magaan ang tono ni Kris, ayon kay Jo-Ann. Madalas pa raw nitong tuldukan ang kanyang mga pangungusap ng tawa.

Masaya raw na sinabi ni Kris na gagamitin niya ang panahong malayo siya sa showbiz sa pamamasyal sa ilang beach dito sa Pilipinas at sa ilang paborito nilang lugar ng mga anak niya sa ibang bansa.

Sabi pa ni Kris, patukoy sa katahimikan ng mga lugar na hindi siya kilala, “You know, my happiest, most peaceful moments are when I'm with my family abroad.

“Honest, my BP is so normal when I'm there.”

THANKFUL TO ABS-CBN. Sa kabila ng kanyang pamamaalam, lubos daw ang pasasalamat ni Kris sa ABS-CBN, na naging home network niya nang walang patid nitong huling 20 taon.

“In fairness to ABS, they were willing to wait for me to get my health break. They know I need the rest.

“But I didn't think it would be fair to them for me to do that.”

Sabi pa niya, “You know, it's 20 years!

“I have to say that I'm grateful to ABS-CBN for giving me all the opportunities.

“But, I really have to stay healthy for my kids. What will happen to them when I'm gone?”

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataong sinabi ni Kris na lilisanin na niya ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin ba nito, ngayon ay hindi na siya talaga makikita ng kanyang fans sa telebisyon at sa pelikula?

Ayon kay Kris, hindi naman niya sinabing mawawala siya.

“I just said I will rest. You know, one can rest for just three months!” sabay tawa niya.

“My ate was telling me, 'You know, you can come back. You're not leaving na you're a nobody. You can still come back.”

A perfect Tagaytay afternoon. Yes, #SEPANX... Tomorrow is my last taping day for @kristvofficial_ig. ????

A photo posted by Kris Aquino ???? (@kriscaquino) on

At hindi naman daw siya mananatili lang sa bahay kapag natapos ang kanyang showbiz commitments.

Sa ngayon nga raw, excited na si Kris na pagtuunan ng pansin ang kanyang fastfood franchises.

Natatawang sabi niya, “You never know, I might enter the corporate world!”

Sa kanyang Instagram post kahapon, March 8, sinabi ng celebrity mom: “I'm the SOLE PROVIDER for my sons, but for now I'll do it away from stress of the limelight.”

Abangan sa susunod na linggo: Isang mas mahaba at eksklusibong panayam ng PEP.ph kay Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN