Kris Aquino to leave ABS-CBN after 20 years

"I'm the SOLE PROVIDER for my sons, but for now I'll do it away from stress of the limelight," says Kris Aquino following her announcement about leaving ABS-CBN.


Nagpaalam na si Kris Aquino sa ABS-CBN.

Ito ay base sa post ng TV host-actress sa kanyang Instagram ngayong gabi, March 8.

Sa anim na magkakasunod na posts niya sa Instagram, ipinaliwanag ni Kris ang dahilan ng kanyang desisyong magpaalam sa naging home network niya sa loob ng 20 taon.

Sa kanyang unang post, nagpasalamat ang Queen of All Media sa ABS-CBN.

Sabi niya, “Our relationship as a family started in October 28, 1996 and it will soon end this March 23, 2016.

“A total of 10,354 days working for ABS-CBN, my life's most fulfilling professional journey because of your love, acceptance and loyalty.”

Part 1

A photo posted by Kris Aquino ???? (@kriscaquino) on

Sa kanyang sumunod na post, sinabi ni Kris na mas pinili niyang alagaan ang kanyang kalusugan.

Matatandaang noong Linggo, March 6, ay nagpahiwatig si Kris tungkol sa matinding desisyong kailangan niyang gawin.

Ito ay kaugnay ng pagkaalarma nila ng kanyang mga kapatid sa estado kalusugan niya.

Read: Kris Aquino to make important life choices soon

Sa kanyang bagong post, sinabi ng TV host-actress: “Just like all of you, I love my FAMILY. My most valuable life destiny is to be Mama to KUYA JOSH and BIMBY; and to be loving, selfless sister to ATE, PINKY, NOY and VIEL: a BUNSO who doesn't give them constant worry because of my health and safety.”

Part 2

A photo posted by Kris Aquino ???? (@kriscaquino) on

Dagdag pa ni Kris, “I'm not putting a time frame but with my type of work, it's realistic to accept by leaving ABS-CBN I'll be replaced and soon forgotten...

“My sons and I will travel, we'll move to our new home and I'll eat healthy, sleep early, exercise regularly, and live quietly--everything to make sure Kuya Josh and Bimb have a healthy mother.

Part 3

A photo posted by Kris Aquino ???? (@kriscaquino) on

Ayon pa kay Kris, huling dalawang araw na ng taping niya para sa daily morning program na Kris TV bukas, March 9, at sa Huwebes, March 10.

THIS ISN'T GOODBYE—this is I hope you'll miss me & I hope to see you again, soon. My not so healthy heart wants to thank all of you for your LOVE, for me, my family & my work. I'LL BE BACK W/ A 100% HEALTHY HEART SO I CAN LOVE ALL OF YOU EVEN MORE & for much longer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Until then, #LOVELOVELOVE,” pahayag ni Kris sa kanyang ika-apat Instagram post.

Sa huling post kaugnay ng kanyang anunsiyo, sinabi ni Kris mananatili siyang “working mom” sa pamamagitan ng mga fastfood franchise niya.

Nagpahiwatig din si Kris na tila iiwanan na niya nang tuluyan ang showbiz:

I'm the SOLE PROVIDER for my sons, but for now I'll do it away from stress of the limelight.”

Taong 1996 nang maging host si Kris ng Today with Kris Aquino, ang unang programa niya sa ABS-CBN matapos lumipat mula sa GMA Network.

Noong 2010 naman ay nag-resign si Kris bilang host ng mga showbiz-oriented shows na The Buzz at Showbiz News Ngayon matapos maiproklamang bagong Pangulo ng Pilipinas ang kapatid niyang si Noynoy Aquino.

Ginawa raw niya ito upang maiwasang magbigay ng kanyang komento na maaaring makaapekto sa panunungkulan ng kapatid.

Ngunit noong 2011 ay nagbalik si Kris sa pamamagitan ng morning talks how niyang Kris TV.

Muling nag-anunsiyo ng resignation si Kris noong March 2013 upang mapagtuunan umano niya ng pansin ang kanyang mga anak.

Subalit agad namang nilinaw ng ABS-CBN na panandaliang pagliban lamang ang gagawin ni Kris Aquino.

Samantala, noong 2014 naman nang huling pumirma ng bagong kontrata si Kris sa ABS-CBN network.

Ngayong 2016 na rin magtatapos ang termino ng kapatid ni Kris na si PNoy bilang Pangulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN