PEP EXCLUSIVE. Robert Arevalo's daughter Anna Ylagan expresses concern about dad's long taping hours

Ikinabahala ng anak ng beteranong aktor na si Robert Arevalo ang nangyaring pagsabak ng ama sa taping ng The Millionaire's Wife ng halos 30 oras. Sabi ni Anna Ylagan sa kanyang Facebook post: "Tell me, is that a decent & respectful way to treat a 78-year-old veteran actor?"

 


Dahil sa pag-aalala sa kalusugan ng amang si Robert Arevalo, napilitang mag-post sa kanyang Facebook account ang anak niyang si Anna Ylagan ng pagkadismaya nito sa haba ng taping hours ng veteran actor.

Si Anna ay isa ring direktor at producer sa sarili nitong kumpanya.

Nanawagan siya kung tama bang pagtrabahuhin ng halos 30 oras ang amang 78 taong gulang na.

Si Robert ay isa sa mga bida ng upcoming afternoon soap ng GMA Network na The Millionaire's Wife, kung saan kasama rin sina Andrea Torres at Mike Tan.

Sabi ni Anna sa kanyang Facebook post kahapon, March 10:

“My dad will be angry with me for posting this but he left for taping of his TV series yesterday at 5 A.M.

“He came home at 9:30 A.M. today. Tell me, is that a decent & respectful way to treat a 78-year-old veteran actor?

“Is it now a liability that my dad loves his craft that's why he's putting up with such practices? â�ª#??StopInhumanWorkingHours.”

My dad will be angry with me for posting this but he left for taping of his TV series yesterday at 5am. He came home at...

Posted by Anna Ylagan on Thursday, 10 March 2016

Kinumpirma ni Anna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng Facebook messaging halos magha-hatinggabi ng March 10, na ang The Millionaire's Wife nga ang tinutukoy niyang TV series kung saan nanggaling ang kanyang ama.

“Yes, yun ang teleserye ng papa ko ngayon.

“Tinatanong ko nga phone number & EP [executive producer] sa papa ko, pero ayaw niya ibigay sa akin.??

Tanong ng PEP: Ano ang sabi ng papa niya kung bakit umabot sa halos 30 oras ang itinagal nito sa set ng serye?

Diretsong sagot ni Anna: “Ayaw niya masabihan na 'demanding' siya.”

Sabi pa niya, “They shot 30 sequences.

“Director din ako at producer at walang problema yung madaming sequences ang kukunan.

“Pero with proper production management, puwede naman magawa yun efficiently nang hindi mo halos patayin mga nagtatrabaho, e.”

Diin pa ng anak nina Robert at Barbara Perez, tiyak na magagalit sa kanya ang ama pero parang may mali raw sa pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ayaw ng papa ko ang ganitong publicity.

“Ako lang ang natatakot for his health because of the recent events that led to the death or directors and other production people. Hindi lang sa TV at pelikula but also in advertising.

“Ilagay mo din [sa article] na ayaw ng papa ko ilabas ko ito. Hindi niya alam na nag-post ako.

“Hindi kasi mareklamo ang papa ko. Pero ilang beses na kasi nangyari ito sa iba't ibang network, e.

“Ayokong mauwi sa pareho ng nangyari kay Direk Wenn [Deramas] at Francis [Pasion] ang sitwasyong ito.”

Kaugnay nito, kaagad na humingi ng statement ang PEP sa production ng The Millionaire's Wife, sa pamamagitan ng GMA Corporate Communications.

Hinihintay pa raw nila ang paliwanag ng Entertainment TV (ETV) sa pangyayari.

Ang The Millionaire's Wife ay nasa pamamahala ng executive producer na si Michele Borja at ng direktor na si Albert Langitan.

SPEAKING FOR EVERYONE. Ayon pa kay Anna, hindi lang para sa kanyang ama niya nag-aalala kundi sa lahat ng mga taong nagtatrabaho sa likod ng kamera.

Ito ay bunsod na rin ng sunud-sunod na pagpanaw at pagkakaospital ng ilang mga tao sa TV and film industry, kung saan lumilitaw na stress sa trabaho ang dahilan.

Pahayag ni Anna, “I think I speak for everyone working in production--from actors, directors, production staff and crew--there really has to be a law to impose decent and humane working hours for everyone.

“Kailangan ng batas, kasi kung nasa artista or sa production crew 'yan, pag umangal ka, simple lang. Bukas wala ka nang trabaho.

“I also understand the producer's perspective of trying to finish what needs to be shot at a minimal cost, but there has to be a balance of proper production management and humane conditions.

“Iba ang interests ng producers at ng mga artista/crew. Ang mga EP, may pananagutan sa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan naiipit sila pag ang 'superstar' ng show dumadating at nagmadali. Babaklasin ang set (kahit na isang shot na lang ang kukunan) para unahin yung superstar.

“So, yung mga artista na dapat tapos na, maghihintay until madaling-araw dahil biglang siningit yung superstar na nagmamadali.

“This is not pertaining to this particular teleserye [The Millionaire's Wife], pero madalas nangyayari 'yan in the past.”

Panahon na raw talaga na magkaroon ng karampatang batas para sa mga taong nagtatrabaho sa production.

“We really just need a law that will be implemented on decent and healthy working hours for film, TV and advertising shoots. Kailangan pa bang may mamatay pa ulit? Sana wala na,” sabi pa ni Anna.

Nauna nang pinuna nina Direk Quark Henares, Aiza Seguerra, John Lapus, at iba pang taga-industriya ang tila maling sistemang ito sa telebisyon at pelikula.

Sa ibang bansa kasi, may time limit ang lahat ng mga nagtatrabaho sa produksiyon.

Read: Quark Henares blames 'horrible working hours' as cause of death of directors

Read: Aiza Seguerra calls for a change in the 'awful' production system


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN