Bianca Manalo reveals juicy details about James Reid-Nadine Lustre relationship

Bianca Manalo on James Reid's gesture: "Pumunta siya sa bahay nina Nadine at kinausap yung tatay. Sinabi niya doon sa tatay na, 'Tito, I'm serious about her. Gusto ko maging kami talaga.' Yung fact na nagpunta si James sa bahay nina Nadine, kinausap yung tatay ni Nadine, doon ako na... 'A, he means well.' The fact that he did that, it's a big step. He's willing to risk the love team itself para maging sila talaga."


Ikinagulat ni Bianca Manalo ang pag-amin sa publiko nina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang romantic relationship, pero alam na raw niya ang tungkol dito.

Magkakasama ang tatlo sa nagwakas nang primetime series ng ABS-CBN na On The Wings of Love.

Ayon kay Bianca, “Kasi, supposedly, secret namin ni Nadine yun. 

“In-announce nila nung concert tapos ni-reveal ko naman… ewan ko, sa PEP din naman ata. 

“Pero ni-reveal ko naman na it was Nadine and I…

“Kasi tinanong ko, ‘Kailan yung official date?’ ‘Nung Thursday naging kami.’

“So, nagbilang kami. So, Feb 11… ‘Feb 11 naging kami.’

“Nung ni-reveal nila, yung one week pa lang.”

February 11 naging opisyal na magkasintahan sina James at Nadine.

February 20 ginawa nina James at Nadine ang pag-amin sa kanilang relasyon sa JaDine In Love concert, sa Smart-Araneta Coliseum.

Read: James Reid and Nadine Lustre now officially a couple

BIANCA’S ADVICE TO NADINE. Ayon pa kay Bianca, nag-o-open up sa kanya si Nadine tungkol kay James kaya nabibigyan niya ito ng payo.

Saad ng Bb. Pilipinas-Universe 2009 titlist, “Ang advice ko sa kanya, enjoy. 

“Mahirap ang may boyfriend na nasa showbiz.

“Pag nag-away, iwanan sa bahay, lalo na love team kayo, mahirap ‘yan. 

“Kasi kapag nakita ng mga tao sa paligid ninyo na hindi kayo okey, pansin na pansin.

“So, yun ang advice ko, enjoy every moment. Kilig-kilig ‘yan. 

“Sabi ko kanya [Nadine], ‘I’ve been there, 22 years old. ‘Yan ang peak ng career mo, peak ng love life. 

“‘Yung hormones mo, umaandar. Parang excited ka lahat. Just be yourself.

“‘Pero pag nag-away kayo, iwanan sa bahay.'”

Patuloy pa ni Bianca, “Pero ako, I’m hoping for the best for them.

“Kasi nakuwento ko naman kay Nadine na yung KimeRald [Kim Chiu-Gerald Anderson loveteam], di ba?

“Okey din dati yung loveteam. Pero nung nawala, masakit.

“So, yun lang yung sinabi ko, na enjoy every moment. Hindi mo naman maiiwasan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa launch ng MAC Cosmetics’ newest collection, ang Flamingo Park, na ginanap sa Penthouse ng 24/7 McKinley Building, Bonifacio Global City, noong Miyerkules, March 9.

THE REVELATION. Naramdaman daw ni Bianca sa set ng On The Wings of Love na may patutunguhan ang magandang samahan nina Nadine at James.

Kuwento ng beauty queen-actress, “Eto, dati beso-beso, then tapos na sa taping.

“Pero eventually, may na-mention sa akin si Nadine na, ‘Ate Biancs, nagpaparamdam na siya.’

“Sabi ko, ‘Okey, sige, nagpaparamdam na. Tapos?’

“'Wala, yun lang. Pero wala, ayoko talaga sa kanya, ganyan-ganyan,’ sabi ni Nadine.

“Kaya nga nung eventually, nung umamin na siya sa akin at sinabi na niya sa akin na, ‘Ako, happy. Ayoko ko na ngang magkuwento sa iyo, baka sabihin mo kinain ko na lahat ng mga sinabi ko.’

“So, doon ko na naramdaman na… kasi ayokong magtanong.

“Hindi naman ako nagtatanong kasi baka magmumukha naman akong pakialamera. Napaka-nosy ko naman.

“So, ikinuwento ko na ito, ikukuwento ko na lang uli…

“Nagti-taping kami. Tapos, ‘Cut!’

“Pa-exit na ako ng scene, tapos hinila niya [Nadine] ako dito,” sabay turo ni Bianca sa kanyang likod.

“‘Ano?’ tanong ko. 

“Then, yung phone niya, ipinakita niya sa akin—wallpaper, silang dalawa!

“‘Kayo na?’ Sumagot siya ng ‘Oo.’ Nagtilian kaming dalawa. 

“Yung buong tao sa set, ‘Anong nangyari? Sila na? Sila na?’

“Sabi ko, ‘Hindi, hindi. May ikinukuwento lang siya.’

“Sabi ni Nadine, ‘Grabe naman kayo kung maka-assume.’

“Tapos yun na, hanggang sabi niya, since November, hindi na raw siya tinigilan [ni James]. 

“And in fairness naman kay guy… ayoko na, baka…” biglang pigil ni Bianca sa susunod na sasabihin sana.

Pero pagpapatuloy na rin niya, “In fairness kay James, doon ako na-touch. 

“Pumunta siya sa bahay nina Nadine at kinausap yung tatay.

“Sinabi niya doon sa tatay na, ‘Tito, I’m serious about her. Gusto ko maging kami talaga.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung fact na nagpunta si James sa bahay nina Nadine, kinausap yung tatay ni Nadine, doon ako na... ‘A, he means well.’

“The fact that he did that, it’s a big step. 

“He’s willing to risk the love team itself para maging sila talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN