Julian Estrada not involved in Diego Loyzaga's alleged altercation incident

Diego Loyzaga (inset) went to the party of Julian Estrada's brother before going to the Palace Pool Club where the altercation incident with Wilmer Angelo and Wilmer Paolo Lopez happened on Sunday morning, March 13.


Hindi kasama sa nangyaring gulo na kinasangkutan ng young actor na si Diego Loyzaga sa Palace Pool Club ang co-Star Magic talent niyang si Julian Estrada.

Nasangkot sa isang altercation incident ang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga nitong madaling-araw ng Linggo, March 13, matapos ang di pagkakaunawaan sa magkapatid na Wilmer Paolo at Wilmer Angelo Lopez.

Sa unang report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito, nabanggit ng source ang pangalan ni Julian na nakasama umano ni Diego sa isang party.

Si Julian ay anak nina Senator Jinggoy Estrada at Precy Ejercito.

Read: (UPDATED) Diego Loyzaga allegedly involved in altercation at Palace Pool Club

Agad namang nilinaw ni Wilmer Angelo sa hiwalay na panayam ng PEP ngayong Lunes ng hapon, March 14, na hindi kasama si Julian sa nangyaring gulo sa Pool Club.

Aniya, “Julian Estrada wasn't part of the assault. The guys who assaulted us, galing po sila sa party ni Julian Estrada but in a different location.

“They [Diego and friends] went to Pool Club lang ata for after party. I'm not sure.”

Kinumpirma rin ito ni Julian sa isang tweet at sinabing nasa party siya ng kanyang kapatid: “I was spinning at my brother's party.”

Ginanap ang party ng kapatid ni Julian sa Emar Suites, sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Dagdag pang tweet ni Julian, nakauwi na rin siya ng kanilang tahanan bago pa mag-4:30 A.M. kaya imposible itong makasama sa nangyaring gulo.

Samantala, noong Sabado ng gabi, March 12, ay nag-post si Diego sa kanyang Instagram account ng larawan kasama si Julian at ang rumored girlfriend ni Diego na si Sofia Andres mula sa naturang party sa Emar Suites.

Happy birthday jul @julestrada lol

A photo posted by Diego Loyzaga Montano (@diegoloyzaga) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN