Maricar de Mesa still waiting on annulment of marriage to Don Allado

Maricar de Mesa admits to going out on dates. "I go out, I meet people. Interesting… hindi lang Pinoy, may ibang lahi. So, nakakatuwa, kasi doon mo nga nakikilala ang sarili mo na, 'A, okay, mayroon ka pa palang ganitong capabilities," says the actress.


Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang makipaghiwalay ang aktres na si Maricar de Mesa mula sa asawa niyang si Don Allado, dating PBA player.

Read: Maricar de Mesa confirms split from husband Don Allado

Pero nasa korte pa rin daw hanggang ngayon ang annulment case nila.

“Psychologically incapacity” ang ibinigay na rason ng magkabilang kampo sa pagpa-file nila ng kaso.

Saad ni Maricar tungkol sa kaso, “Ang bagal-bagal, yun lang ang masasabi ko. Nakakailang hearing na kami, e.

“Another thing, on his part, kung hindi late, hindi darating sa mga hearing. 

“I guess yun ang mga major causes kung bakit delayed nang delayed yung kaso namin.”

Sino ba ang nag-file ng annulment?

Sagot ni Maricar, “Siya na ang pinag-file ko.

“Sabi ko, ‘Ikaw na, ikaw na ang maabala.’”

Hindi raw dumadalo si Maricar sa mga hearing.

“Siya [Don] yun, I don’t have to. I was advised by my lawyer not to go to or show up.”

Hindi raw alam ni Maricar kung bakit si Don dapat ang dumadalo sa hearings at hindi siya.

“I guess yun lang ang advice ng lawyer ko.

“But I don’t think it’s a… case-to-case basis ata ‘yan.”

Wala rin daw ideya si Maricar kung kailan maga-grant ang annulment ng kanilang kasal.

Aniya, “Delayed kasi nang delayed, hindi sila [Don’s camp] nakatutok, hindi sila focus -- yung team niya, yung lawyer niya. 

“Nadi-delay nang nadi-delay, tumatagal nang tumagal. 

“I’m hoping the soonest.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricar sa launch ng pinakabagong MAC cosmetic collection, ang Flamingo Park, noong March 11.

Fond of "Be Silly"! #MACFlamingopark ???

A photo posted by Maricar De Mesa (@msmaricardemesa) on

NO NEWS. Hindi na raw nakikita ni Maricar ang kanyang estranged husband, kaya wala siyang ideya kung ano na ang kaganapan sa buhay nito.

“Early last year, I had a meeting with him, kasama yung lawyer ko at saka yung isang common friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi may business kami, we have to settle something, monetary-wise.”

Dagdag pa ni Maricar, “Hindi nga siya makatingin sa akin nang diretso.

“Yung mata niya kung saan-saan tumitingin.

“But I guess it’s okay. Yun ang last.”

Handa na ba siyang maging civil sa kanyang estranged husband o maging magkaibigan sila uli?

Sagot niya, “Siguro yung civil, baka puwede na.

“Pero para maging friends kami, I’m not sure.

“Yung sakit hindi, e. Hindi ko nga naaalala, e.

“Minsan ang naaalala ko na nga lang yung pinagsamahan namin. 

“More of… kasi ang tagal din naming nagsama, di ba?

“More of yung pinagsamahan namin na naalala ko pa, more than the pain that he caused me. 

“So I’m just choosing not to be friends with him.”

HEALING IN US. Isang paraan daw ni Maricar para tuluyang maka-move on sa hiwalayan nila ni Don ang pagpabalik-balik niya sa Amerika.

Wanderlust ?? #ilovethiscity

A photo posted by Maricar De Mesa (@msmaricardemesa) on

Sex and the City ???

A photo posted by Maricar De Mesa (@msmaricardemesa) on

Sabi ni Maricar, “I just feel like pag nandoon ako [sa States], I find myself there. 

“Another thing, I better myself pag nandoon ako.

“Ang layu-layo na. Nakapag-move na ako nang bonggang-bongga.”

Hindi naman itinatanggi ni Maricar na may mga nanliligaw sa kanya ngayon.

Nakangiti niyang sabi, “I go out, I meet people.

“Interesting… hindi lang Pinoy, may ibang lahi. 

“So, nakakatuwa, kasi doon mo nga nakikilala ang sarili mo na, ‘A, okay, mayroon ka pa palang ganitong capabilities.”

Tumanggi namang sabihin ng aktres kung ilan lahat ang kanyang mga manliligaw.

“Hindi ko alam. Pero nakakatuwa sila.

“Hindi naman ako every week [kung makipag-date].

“Kasi dito, iba yung date sa atin, iba rin doon when they invite you to hang out. 

“Pag inimbitahan ka, hindi naman date na agad, e.

“Siguro yung iba, they just want to get to know you, friends. 

“Kung click, click, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN