Witness claims Diego Loyzaga did not start fight against Lopez brothers

A witness said that young actor Diego Loyzaga went home bleeding as well after brawl with Wilmer Paolo and Wilmer Angelo Lopez: "Hindi lang niya po pinu-post po kasi artista po, e. Ayaw niyang makitang duguan siya, ganun. Yung buong mukha niya po dumudugo, hindi ko lang alam po kung saan galing. Kung sa ilong po or may cut sa mukha."


Isang witness ang lumutang sa panig ni Diego Loyzaga matapos masangkot ng Kapamilya young actor sa isang away sa The Palace Pool Club nitong Linggo ng madaling-araw, March 13.

Inakusahan si Diego at ang mga kaibigan nito na nambugbog diumano sa magkapatid na Wilmer Paolo at Wilmer Angelo Lopez.

Read: (UPDATED) Diego Loyzaga allegedly involved in altercation at Palace Pool Club

Ngayong Martes ng hapon, March 15, nakapanayam ng broadcast journalists na sina Raffy Tulfo at Nina Taduran sa radio program na Wanted Sa Radyo ng Radyo Singko 92.3 FM ang isang witness, na itinago sa pangalang “Henry”, sa insidenteng kinasangkutan ni Diego.

DIEGO’S SIDE. Ayon sa witness, nakaupo lang daw sa kanilang lamesa sa Palace Pool Club si Diego at ang mga kaibigan nito nang may isang babaeng tagahanga na lumapit upang magpa-picture at bumeso rito.

“Yung una po, sila Diego nakaupo lang, kami nakaupo lang po.

“And then, may fan po na babae, lumapit po kay Diego, nagpa-picture po.

“Siyempre si Diego naman po, mabait… Siyempre hinawakan po yung bewang nung babae, nag-picture, okay lang po.

“Tapos po yung babae, bumeso, tapos po yung nakaaway po ni Diego, yung lalaki po na Lopez, isa po sa mga Lopez brothers, sumugod po kay Diego.

“Kasi po hindi po siguro kilala na artista siya. “

Ang tinutukoy na babaeng nagpa-picture diumano kay Diego ay ang girlfriend ni Wilmer Angelo.

(Ayon sa naunang panayam ng PEP sa kapatid ng complainants, naging "touchy" diumano si Diego sa girlfriend ni Wilmer Angelo.)

Nang makita raw ng isa sa magkapatid na Lopez ang eksenang ito, agad itong sumugod sa kinaroroonan nina Diego at hinatak ang damit ng aktor.

Patuloy na kuwento ng witness, “Tapos po, out of nowhere, si Diego po, nagulat po.

“Bigla pong nasuntok ni Diego, tapos yung lalaki po, bigla po gumanti po kaagad, sumuntok din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos si Diego, self-defense po, napasuntok na lang po.”

Sa pagpapatuloy na kuwento ng witness, iginiit nitong nangyari ang gulo sa may lamesa nina Diego at hindi sa labas ng CR, taliwas sa salaysay ng mga complainant.

“Naawat po ng mga bouncer, tapos sabi po ng mga bouncer, ayusin na po sa labas yung gulo.

“Saka ito po, nangyari po mismo sa table ni Diego. Yung mga news po na iba, sabi po sa CR, hindi po.

“Kahit [tingnan ang] CCTV po, hindi po nangyari sa CR yun, hindi po inabangan ni Diego.

“Dun po talaga yun sa [table ni Diego].”

Matapos nito, lumabas daw ang magkabilang kampo at nag-usap nang maayos sa labas ng Palace Pool Club.

“Tapos po, sa labas po nagkamayan na po.

“Inakap pa po ni Diego yung lalaki, nag-sorry pa po si Diego.

“Nagkaayos na po sila. So, ako po, umalis na po ako…”

Dagdag pa ng witness, “Parang sabay na po sila, para wala na pong gulo, nag-peace na lang po.

“Nagkamayan na po tapos inakap pa ni Diego.

“Tapos po, ako, umalis na ako sa area'ng yun po, pumasok na po ako ulit sa loob.”

SECOND ROUND. Nang pauwi na rin raw si "Henry," napansin nitong nagsusuntukan muli ang grupo nito at ang grupo nina Wilmer Paolo at Wilmer Angelo sa labas ng Palace Pool Clubv.

Nabanggit din ng witness ang pangalan na Paolo Jaramillo, na nag-umpisa raw ulit ng gulo matapos magkaayos ng magkabilang kampo.

Si Paolo rin ang hinahanap ni Diego sa unang report na inilabas ng PEP.

Dagdag ni 'Henry', “Kaibigan po nung isa sa mga Lopez brothers.

“Ang sabi po sa akin nung ibang witness po, siya po yung parang naghamon po ulit ng gulo.

“Dun na po, kumbaga nag-rumble na po sila.”

Sabi pa ng witness, “Yung Paolo Jaramillo po, nag-aangas-angas, tapos nagmumura-mura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi po nagkasuntukan po nung una, e, so parang lumala po yung problema, parang ganun, gusto ng away.”

Hindi naman itinanggi ni "Henry" sa panayam niya kay Raffy na nakainom na ang parehong grupo nung mga oras na iyon.

Aniya, “Both sides po nakainom po, malamang, kasi po inuman po yung lugar e.”

Wala raw umawat sa dalawang grupo na nagsusuntukan. Natigil na lang daw ito nang nakiusyoso na ang maraming tao.

“Siguro po, nung sobrang dami na pong tao na nanonood, natigil na po.

“Tapos si Diego po, duguan po nung umuwi. Nagmamadali pong umuwi.”

Marami rin daw tama sa mukha si Diego.

Sabi ng witness, “Sa mukha po, pero hindi lang niya po pinu-post po, kasi artista po, e.

“Ayaw niyang makitang duguan siya, ganun.

“Yung buong mukha niya po, dumudugo.

“Hindi ko lang alam po kung saan galing. Kung sa ilong po or may cut sa mukha.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN