Lopez brothers, girlfriend stand firm on accusations against Diego Loyzaga and friends

Wilmer Paolo (left) and Wilmer Angelo Lopez (right) recounts encounter with Diego Loyzaga and his friends in an interview with ABS-CBN entertainment correspondent Ginger Conejero for TV Patrol, Tuesday night, March 15.


Nagbigay na ng pahayag ang magkapatid na Wilmer Paolo, 18, at Wilmer Angelo Lopez, 19, kaugnay ng akusasyon nilang pambubugbog laban sa aktor na si Diego Loyzaga at sa mga kaibigan nito.

Sa una ring pagkakataon ay humarap sa camera ang magkapatid sa panayam nila sa ABS-CBN correspondent na si Ginger Conejero para sa TV Patrol ngayong gabi, March 15.

Inilahad ng magkapatid na Lopez ang kanilang panig sa nangyaring insidente sa The Palace Pool Club noong Linggo ng madaling-araw, March 13.

Nagsimula raw ang kumprontasyon sa pagitan ng dalawang grupo nang akbayan umano ni Diego ang girlfriend ni Wilmer Angelo.

Hindi raw naging kumportable ang girlfriend ni Wilmer Angelo sa ginawang ito ng aktor.

Pahayag ni Wilmer Paolo, “I went up to Diego, I told him, ‘That’s my brother’s girlfriend.’

“What happened is, he got pissed and then punched me in the face twice.”

Naayos naman daw agad ang di pagkakaunawaang ito nang lumabas ang dalawang grupo sa Palace Pool Club.

Ngunit nagkaroon muli ng tensiyon sa pagitan nila dahil sa isang lalaking hinahanap ni Diego na nanakit daw sa kaibigan nito.

Ang tinutukoy nila ay si Paolo Jaramillo, na ayon sa magkapatid na Lopez ay kakakilala lang nila sa nasabing lugar.

Sabi ni Wilmer Angelo, “Actually, he [Wilmer Paolo] said naman na… he’s telling the truth, hindi niya talaga alam, wala siyang alam.

“Things got heated, tapos bigla na lang they punched him sa dito [temple ng ulo] niya.”

Nakapanayam din ni Ginger ang girlfriend ni Wilmer Angelo, na tumangging humarap sa camera.

Iginiit nitong si Diego diumano ang nag-utos sa kanyang kaibigan na sapakin si Wilmer Paolo.

Sabi ng girlfriend ni Wilmer Angelo, “I really saw Diego saying na, I mean, like, ‘Sapakin mo na ‘yan!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan daw niyang protektahan si Wilmer Paolo, na nawalan na ng malay ng sandaling iyon, ngunit patuloy pa rin daw ang pagsipa ng kaibigan ni Diego.

“I protected his head because it was bleeding. A friend of Diego’s still kicked him,” sabi ng girlfriend ni Wilmer Angelo.

Dagdag naman ni Wilmer Paolo, “The next thing I remember is waking up at the hospital the next day. I didn’t know what happened.”

Ipinaliwanag din ng magkapatid na Lopez na lumaban sila sa grupo nina Diego bilang self-defense.

Sa huli, sinabi ng magkapatid na nais nilang makamit ang hustisya dahil sa nangyari sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN