PEP EXCLUSIVE (Part 2): Diego Loyzaga claims receiving death threats from Lopez camp

Sa pangalawang bahagi ng eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Diego Loyzaga, pinanindigan nitong biktima rin siya sa nangyaring kaguluhan sa isang bar sa Taguig Cito nitong nakaraang Linggo, March 13. Itinuro naman niyang pasimuno ng gulo ang kaibigan diumano nina Wilmer Angelo at Wilmer Paolo Lopez na si Paolo Jaramillo.


Iginiit ni Diego Loyzaga na biktima rin siya sa nangyaring kaguluhan sa The Palace Pool Club noong Linggo ng madaling-araw, March 13, kung saan inakusahan siya ng magkapatid na Wilmer Paolo at Wilmer Angelo Lopez ng pambubugbog diumano sa kanila.

Read: PEP EXCLUSIVE (Part 1): Diego Loyzaga finally airs his side on mauling incident

Isiniwalat din ng young actor na nakakatanggap siya ng "death threats" mula sa kampo ng Lopez brothers kahit na wala naman daw siyang kinalaman sa pananakit sa mga ito.

Sa pagpapatuloy ng exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Diego nitong Martes ng gabi, March 15, sa Star Magic office, sinabi niyang rambulan na ang nangyari sa labas ng Palace Pool Club dahil maraming kabataan ang nakisali sa away.

Lahad ng 20-year-old Kapamilya actor, “I was hit from the side, nahulog ako.

“Nasa labas na ito... Next thing I know, I saw other people falling already, I saw other people getting hit.

“Dugung-dugo na yung mukha ko, na I couldn’t protect myself anymore.

“So, ang nangyari, yung kaibigan ko po, lumapit sa akin. Kinuha niya ako at dinala na niya ako sa taxi.

“Kasi dugung-dugo na nga mukha ko. Isinakay na ako sa taxi.

“I took one last glance and I could see that everyone is still fighting. There was mauling talaga.

“There was just a big group fight na random people were involved already.”

INITIATED THE FIGHT? Pinabulaanan naman ni Diego ang akusasyong siya ang nag-utos sa kanyang kasama na bugbugin si Paolo Lopez.

Saad nito, “Another accusation that was said against me, I gave the signal to one of my friends to hit Paolo [Lopez] in the face.

“Never po lumabas sa bibig ko yung woprds na 'sapakin mo na siya' or anything along those lines. Never ko sinabi yun.

“At never kong inintensiyon at ginusto na masaktan si Paolo or his brother that night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, ang tanong ko nga, anong nangyari kay Wilmer [Angelo]?

“Kasi, honestly, I don’t know what happened to them anymore, e [after the incident].

“Hindi ko na nakita kung anong nangyari, e.”

Dahil sa tinamong bugbog sa katawan at suntok sa mukha, isinugod daw si Diego ng kaibigan sa St. Luke’s Medical Center Global City.

Dito ay sumailalim siya sa ilang mga pagsusuri at nakatulog din daw siya ng ilang oras sa loob ng ospital. 

Nalaman din daw niyang na-dislocate ang kanyang panga dahil sa insidente. 

Diin pa ni Diego, hindi lang ang kampo at grupo ng Lopez brothers ang nagkaroon ng mga pasa at bugbog kundi maging ang kanilang grupo rin.

“I DID NOT LAY A HAND.” Mariin ding sinabi ni Diego na hindi siya nanuntok o nakasuntok man lang sa nangyaring rambulan.

“Ang ibinibintang sa akin, ako daw ang nagbigay ng order na upakan yung magkapatid.

“But we were fine, okay na nga kami, e.

“What happened was, other people started fighting, and of course, everyone became in self-defense mode na parang, 'Sino ba ‘tong mga 'to, bakit biglang may nanununtok na?'

“Ako nga, yung sumuntok sa akin, galing sa side ko, hindi ko na nakita.

“So I had nothing to do with what happened to Paolo and his brother.”

May suntukang nangyari pero hindi raw siya ang nanuntok o nanakit sa magkapatid.

Diin ni Diego, “I did not lay a hand, a finger on Paolo or on his brother that entire night.

“Yung nangyari lang dun sa loob, yung paghatak niya sa akin sa baba, kung natamaan ko siya nung pagkaganun ko [akmang tatayo mula sa pagkakaupo], that's the only thing that happened.

“Never ko siyang inabangan sa CR, never kong binastos yung babaeng kasama nila.

“Never kong sinabi sa kaibigan ko na dapat suntukin, na sapakin mo mo na 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And that’s what I’m getting blamed for. And I don't understand why.

“In all honesty, awang-awa ako nung nakita ko sa news yung mukha ni Paolo because, really, that night, medyo kahit papaano naging friends kami, because we drank together and stuff.

“And when I saw them, I really wanted to say, ‘I’m sorry for what happened.’

“Pero it wasn’t my fault.

“Pero dahil ako lang yung taong kilala nila dun, ako lang yung nabanggit nilang pangalan... Diego Loyzaga lang nasabi nila.”

Rambulan ba talaga yung nangyari?

Sabi niya, “Rambulan talaga yung nangyari!

“Even my friends have popped lips, popped eyes, lahat po kami may injuries, kanya-kanyang injuries.

“Napuruhan, yes, si Paolo Lopez. Totoo talaga yung nangyari sa kanya. He can’t fake that.

“Pero, is it my fault? No.

“But it’s just a thing that wala silang ibang mapangalanan kundi ako, kasi wala silang ibang pangalan na… ‘Siya yung celebrity, e. Grupo nila yun, e.’

“Dun ako actually naaasar. Na 'grupo ni Diego Loyzaga.'

“E, paano kung hindi ko kagrupo talaga yung gumawa nun?

“Paano kung... ang dami kasing umepal lang, e. Ang dami kasing wala dun sa simula, na bigla na lang dumating.”

At that time ba, marami pang tao sa bar?

Ayon kay Diego, “Parang lumabas lahat ng tao sa bar para sumama dun sa gulo, nakigulo lang talaga.

“Kaya the allegation against me na ako ang nagbigay ng go signal… never, I never said those words or anything alike those words.”

May mga kaaway ba siya dun?

Pagtanggi niya, “No, no, e. I think, yung isang Paolo was really looking for a fight that night. Parang naghahanap siya ng gulo.

“Tapos nung nakita niya na palabas kami ng Pool Club, parang dun siguro niya naisipan na, ‘Uy, baka puwede akong makasingit dito.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos nung nasagi pa yung girlfirned niya, that gave him parang enough reason to join in the fight.

“E, for all I know, it might be one of his goons or friends who hit Paolo Lopez. That’s all I know."

TIPSY-TOUCHY? Isa pang akusasyong ibinato ng kampo ng Lopez brothers kay Diego ay naging ‘touchy’ daw siya sa babaeng nagpakuha ng litrato sa kanya, na naging mitsa sa away ng magkabilang grupo.

Medyo natatawa naman ang aktor sa akusasyong ito.

Sabi pa niya, “See, iba-iba po ang istorya. Yung una, nagpa-picture yung girl, tapos nagalit.

“Yung second, because I was touchy.

“But when I asked my friends about it, ‘You guys remembered me doing anything to a girl that night?’

“‘Wala, Diegs, yung pagka-kiss mo lang siguro sa kanya, dun siya [Wilmer Angelo] nagalit. Yung pagka-beso mo sa kanya.’

“So, I don’t know if may lovers' quarrel sila. I have no idea anything about that.

“Basta that's what escalated to Paolo Lopez and I having a little argument, but it was settled.”

Ayon kay Diego, si Paolo Jaramillo talaga ang mitsa ng malaking gulong nangyari sa labas ng bar na pinuntahan nila.

“What rose all the fighting again was Paolo Jaramillo, who came out holding a weapon behind his back, and calling somebody up and itinuturo niya yung kaibigan ko na, ‘Dapat 'yan ang upakan.’"

LOPEZ-JARAMILLO CONNECTION? Inisip ba nila na ang Lopez brothers ang tumawag kay Paolo Jaramillo?

Sagot ni Diego, “We assumed that. That’s why we kept asking him, 'Do you know him?'

“Kasi bitin yung sagot nila, e, ‘Ang alam lang namin DJ Paolo siya, si DJ Paolo.’

“So, I said... nagtataka kaming lahat, ‘Anong DJ Paolo, what’s his whole name?'

“Kasi it was not just coincidence na may nakaabang lang sa amin, tapos hindi niyo kasabwat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Imposible naman talaga.

“So, pinipilit talaga namin yung fact na 'Kilala mo siya, kilala mo siya.'

“I was trying to… and, bang, sinuntok na ako!”

Hindi niya talaga alam kung sino ang sumuntok sa kanya?

“Kung sino sumuntok sa akin? He was wearing black.

“The only connection I have is that Paolo Jaramillo was wearing a leather black jacket.

“And it was his [Facebook] posts that gave me the idea na siya talaga ang gumawa.”

Sa pagkakataong ito, ipinakita ni Diego sa amin ang screen shots niya ng Facebook status ni Paolo.

Isa na rito ang photo message na: “Real men don’t hit women.”

Sinundan pa ito ng: "Bruhh, what kind of guy pushes and kicks a girl?"

Ito ay dahil sa nasanggi diumano ang girlfriend ni Paolo Jaramillo habang palabas ng Palace Pool Club ang grupo ni Diego at ng Lopez brothers.

Sabi ni Diego, “So he posted that. And after niyang ma-post ito, may kaibigan na nagtanong sa kanya na, ‘Dapat inupakaan mo, bro?”

Sagot ni Paolo, base sa kanyang FB: “Haha. I got back at him so no worries”

Obserbasyon pa ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, “So, inaamin niya po dito na may nasuntok siya nung gabi na yun na nanakit dun sa girlfriend niya.

“Because he thought he was someone from my party, siguro hitting me was suffice enough for him na nakabawi na siya.”

FILING A CASE AGAINST PAOLO JARAMILLO? Magsasampa ba siya ng reklamo laban kay Paolo Jaramillo?

Sagot ni Diego, “I don’t need to file a case against him actually.

“I mean, to him nga, yung ipinost niya, ito nga siguro yung pinakabastos siguro sa lahat ng sinabi niya, e.

“Nung lumabas yung article ko [sa PEP] na ako daw nambugbog kay Paolo [Lopez], sabi niya, ‘Justice.' May hustisya na daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, talagang sinasabi niya na dapat lang akong nasaktan. At dapat lang akong sisihin sa nangyari dun sa Lopez brothers.

“Pero sa totoo naman talaga, halos wala akong kinalaman dun sa away nila, sa gulo nila.

“There was different parties that joined in na hindi namin kilala.

“Matatanda na nga yung mga kalaban ng kaibigan ko.

“So we were all just playing self-defense. We were all just playing self-defense.

“And I don’t know [if] he wants to look like a hero. Nauna siyang mag-post sa Facebok kaagad.

“Why? Maybe he’s afraid, I don’t know.

“But for him to use an excuse na nasaktan daw yung girlfriend niya, I have no idea about that, wala akong alam dun.”

DEATH THREATS. Sa tingin ba niya, maaga siyang na-jduge ng mga tao?

Tugon ni Diego, “Sobra! I’m getting death threats from their family. From the Lopez family…

“Ang dami nilang sinasabi na nagkamali daw ako sa kinaaway na pamilya.

“Shoot-to-kill na daw ako. Kapag nakita na daw ako, babarilin na daw ako.

“So, I’m getting death threats left and right, I’m getting…

“I’m very happy that I still have my solid fans who stuck by me and are saying na, ‘Until your side of the story comes out, we're not gonna believe muna what we are reading.’

“Dun po ako... natuwa po ako dun.

“Yung sa mga iba, ang bilis mag-react na parang, ‘Thug ka, you’re so unfair. Ten people, you got ten people to fight two guys?’

“What good comes out of me getting ten people fight with two guys?

“I mean, seriously. Hindi ko ba naisip? Hindi ba ako nag-iisip?

“It’s ridiculous yung allegations nila sa akin.

“Tapos inconsistent pa yung mga ina-accuse nila sa akin.”

May mensahe ba siyang nais ipaabot sa mga nanghusga agad sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Diego, “Wala akong masasabi sa mga taong mabilis mag-judge. 

“I mean, everyone has an opinion, to have an opinion.

“So if you wanna judge me, sige, judge me.

“Pero ang sama lang… sana maisip niyo rin na kung nangyari ‘to sa inyo, sana rin yung mga ibang tao, pakinggan muna yung side mo at yung story mo, bago sila manghusga sa 'yo.

“Kasi it's hard to be in a position where everyone can just judge you right away.”

Dito ay ipinaliwanag din niya kung bakit hindi siya kaagad nakapagbigay ng statement na nauna nang hiningi ng PEP noong Linggo din, March 13.

Pagpapatuloy pa niya, “And I couldn’t give a statement right away because my manager was out of the country and I couldn’t give... They told me not to give a statement

“But right after [the incident], I wanted to give a statement.

“Right after, gusto kong puntahan sina Paolo [Lopez] at alamin kong sino 'tong si Paolo Jaramillo.

“Kung may kinalaman talaga siya dun sa nangyaring suntukan, because I really wanted to know.

“Because it looks like, right away, he was trying to to cover up his tracks by posting stuffs on Facebook like, ‘Real men don’t hit women.’

“As if we were the ones who were wrong. As if we were the ones looking for a fight.

“When, really, it was some… there are some snippets, some videos na three seconds lang, na kitang-kita sila yung nag-aangas.

“The only time I became angry was when I saw my friend on the floor na dugu-dugo na siya at binalikan ko si Paolo [Lopez] and asked him, ‘Who was the person who beat up my friend?’

“That was the only time na talagang naging emotional na talaga ako.

“At siguro sa sobrang nadala ako sa emosyon ko, hindi ko na napansin kung sinong taong nasa paligid ko kaya nasapak ako sa mukha. Napaupo ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The way my hand broke nung ine-X-ray ng doktor, nung nakita niya yung bali sa thumb ko, kung paano siya nabali, sabi niya, ‘This kind of break is normally seen when someone falls on it, or a lot of weight is put on the thumb.’

“So, hindi ko po 'to nakuha sa pagsuntok sa tao.

“Because, really, that night, I didn't get to hit anybody.”

REACHING OUT TO LOPEZ BROTHERS. Minabuti rin daw ni Diego na mag-reach out sa Lopez brothers sa pamamagitan ng telepono.

Lahad ni Diego, “Last night po. Last night...

“Kaibigan ko kasi yung isang... we have a mutual friend, si Wilmer Angelo.

“And una, sinabi sa akin ng mutual friend namin, ‘Wilmer [Angelo] might wanna talk to you.’

“So, ang sinabi ko, 'Okay, fine. I’d like to talk to him. Honestly, I would really like to talk to him.'

“But then, nung nakausap ko na sa phone [yung kaibigan ko], 'Wait, wait, I’ll call you guys back. Kausapin ko pa siya.'

“So, ang nangyari is I called na lang. Sabi ko, ‘Wilmer...' Sabi, 'Sino ‘to?' 'It’s Diego, is it okay if we talk?’

“Tapos binabaan niya ako ng cellphone.

“Coz, honestly, I want to talk to the brothers.

“I want to say sorry for the events that happened that night.

“It was never my intention for it to escalate… to that na rambulan nang ganun.

“Honestly, it was over, tapos na talaga yung argument namin ni Paolo [Lopez].

“Until dumating itong si DJ Paolo Jaramillo na kitang-kita talaga ng lahat na napakaangas niya, nagyayabang siya, at tumatawag siya ng hatak.”

May mensahe ba siya sa mga Lopez brothers?

Saad niya, “Message to them? Gusto ko talaga mag-sorry. I wanna say sorry to them na umabot sa ganun.

“Pero if we were in the same room and if I could ask Paolo, 'Did I lay a finger on you?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He would really say, ‘Wala.’

“Same with Angelo, ‘Did I punch you? Did I really hurt you? Or cause any damage to you?

“Masasagot nila ‘yan na 'Wala.'”

Gusto ba niyang makaharap nang personal ang Lopez brothers?

Sagot ni Diego, “Oo naman, if they’re willing.

“Gusto ko nga sana kagabi, nung nakausap ko na sa telepono, okay na po, e.

“Gusto ko talaga sila makausap because I want to know what happened to Angelo.”

Wala rin daw dahilan upang humingi siya ng public apology dahil sa nangyari.

“That’s the thing, I didn’t do anything to them. I’m willing to talk to them.”

Dagdag pa ni Diego, “Siguro sa sobrang emotional ko na ngayon, I would actually say sorry kahit wala akong ginawa.

“Gusto ko na mag-sorry na nasama pa sila sa incident.

“Pero, it really wasn’t.… it was just being in a wrong place at a wrong time. Nobody wanted it to happen.”

LESSON LEARNED? May natutunan ba siyang leksiyon sa pangyayari?

saad ni Diego, “Honestly, you can’t say that there really is a moral to the story, e, coz it really was just a case of being at a wrong place at a wrong time.

“Because it was a misunderstanding. It was a misunderstanding between me and Paolo.

“And then this other guy [Paolo Jaramillo] wanted to join into the fight. And he called a friend and beat up one of my friends.

“And because of that, my friends wanted to react and get back at this DJ Paolo.

“And then he escaped, magically, he escaped. I don’t know how he got away.

“So, ang nangyari ay nagkarambulan with another party who arrived also… we don’t know anymore.

“There is no really moral story to it.”

Sa huli, sinabi ni Diego na binigyan daw siya ng legal advice ng amang si Cesar Montano at "very upset" naman daw ang ina niyang si Teresa Loyzaga dahil sa pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mananatiling bukas ang PEP sa maaaring maging pahayag nina Wilmer Angelo at Wilmer Paolo Lopez, pati na kay Paolo Jaramillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN