Nadine Lustre on doubters of JaDine relationship: "Kung ayaw nilang maniwala, e, di okay, bahala kayo!"

Nadine Lustre on working wiith boyfriend James Reid: "Mas masarap bumangon sa umaga kasi, 'Uy, magkikita kami, magsasama kami!' Gusto mo na nga yung trabaho mo, tapos magkikita pa kayo, parang kumpletong-kumpleto ang araw mo."


“Kung ayaw nilang maniwala, e, di okay, bahala kayo!”

Ito ang natatawang reaksiyon ni Nadine Lustre sa mga taong nagdududa pa rin hanggang ngayon kung totoo nga ba ang relasyon nila ng ka-love team na si James Reid.

Matatandaang inamin nina James at Nadine na sila na sa totoong buhay sa JaDine In Love concert nila sa Smart-Araneta Coliseum noong February 20.

Read: James Reid and Nadine Lustre now officially a couple

Ito ay sa kabila ng madalas nilang sabihin noon sa kanilang interviews na walang ibang namamagitan sa kanila higit pa sa pagiging magka-love team at magkaibigan.

Nang mag-“I love you” sa kanya si James sa concert nila sa Araneta Coliseum, bakit hindi siya sumagot ng “I love you too” at sa halip ay niyakap niya lang ang binata?

Paliwanag ni Nadine, “Yun nga ang sabi niya, parang hindi ako nag-reply. 

“Parang na-tense ako… ganun ako. Kaya hinug ko lang siya.”

Pero ano nga ba ang naging reaksiyon ni Nadine nang sabihin sa kanya ni James, sa unang pagkakataon, na in love na ito sa kanya?

Sagot ng Kapamilya actress, “Well, kasi sinabi lang naman niya noong [February] 11 nga po. 

“Ako naman kasi, hindi naman ako assume-re. Unless na hindi niya sinabi sa akin.”

Pero umapela si James na sometime December 2015 ay sinabi na niya kay Nadine ang mga katagang “I like you…”

Inamin ni James na all those times, he was in denial lang, pero mahal na raw niya ang ka-love team.

Si Nadine ba ay gunun din?

“It’s really not… hindi po malakas ang pakiramdam ko, yun po ang ano sa akin!” natawang pag-amin ng 22-year-old actress.

Ayon pa rin kay James, November 2015 nang una niyang maramdamang in love na siya kay Nadine.

Sa parte naman ni Nadine, kailan niya naramdamang in love na siya kay James?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Can’t tell po, e, pero nagsimula po talaga last year,” sagot niya.

Sa premiere night ng Wang Fam, ang horror-comedy movie ng Viva Films kung saan hindi naman sila kasama sa cast?

Natawa si Nadine saka nagkuwento.

Aniya, “E, kasi, after ng premiere night, hindi kami nag-uusap, ganun. As in, magkagalit talaga kami.

“Tapos noong nag-Ilocos po kami, everything was different.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang piling reporters sina Nadine at James sa shooting ng kanilang pelikulang This Time, sa TPLEX, noong Martes, March 15.

NEW DISCOVERIES. Wala pa naman daw mga bagong nadidiskubre si Nadine kay James ngayong sila na, dahil halos araw-araw naman silang magkasama mula pa noon.

Pero natatawang inamin ng dalaga na sa tingin niya ay siya ang mas selosa sa kanilang dalawa.

Ibinuko naman ni James na may naging panaginip si Nadine na nagseselos ito sa kanya.

“Oh, my god, huwag mo nang i-share!” nahihiyang sabi ni Nadine.

Pero itinuloy na rin niya ang kuwento ng boyfriend.

“Anyway, paggising ko, yun po, ang init ng ulo ko.”

Yung pagiging selosa niya ba ay dahil mayroon siya ngayong maituturing na ‘most desirable boyfriend’?

“Pinawisan akong bigla!” natawang sabi ni Nadine.

“Well, nandoon na yun, but then, nasa lugar naman po.”

Nag-a-argue ba sila?

“Hindi pa po kami nag-a-argue. The last time we argued, yung Wang Fam pa po.”

Ano ang mga nakakapagpa-bad trip o nakakapagpainis kay James?

“Teka, laglagan na ba ‘to?” natawang reaksiyon ni Nadine.

Pero patuloy niya, “Well, ako po, alam na niya yun…

“Kasi he’s not a morning person. E, ako, morning person. 

“So, kapag maaga po, maingay ako, magulo ako.

“Parang siya, ha, parang ganun.”

Noong March 11 ang first monthsary nila, pero hindi raw sila magkasama.

March 13 na raw sila nakapag-celebrate sa Antonio’s Garden.

“Actually, we finished early on our shooting in Tagaytay,” banggit ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE INSPIRED TO WORK. Mas madali at mas masarap bang magtrabaho kapag ang taong mahal mo ang kasama mo?

Sagot ni Nadine, “Well, for me naman po kasi, parang mas gusto mong bumangon sa umaga, although ayokong gumigising ng umaga.

“Pero mas masarap bumangon sa umaga kasi, ‘Uy, magkikita kami, magsasama kami!’

“Gusto mo na nga yung trabaho mo, tapos magkikita pa kayo, parang kumpletong-kumpleto ang araw mo.”

Kapag dumarating siya sa set at sa unang kita niya kay James, ano ang nararamdaman niya?

Natawang sagot ni Nadine, “Wala, I’m just really, really happy.

“Dati, it was different. Ewan ko…”

Ano ang nakikita niyang pagkakapareho ni James sa karakter ng aktor sa On The Wings of Love bilang si Clark?

Ayon kay Nadine, “Well, yun nga, Clark is very romantic, he’s very sweet.

“And ganun din naman siya [James]. He’s also very hardworking. 

“Pero Clark kasi, ibang level si Clark, e.”

Paano niya ipapakilala si James sa mga taong hindi pa ito kilala?

“Well, si James, what I like about him is sobrang… meron siyang silly side na, I don’t know, maybe bihira lang makita ng tao.

“Yung super-kulit niya na side.

“I don’t know, maybe people think na he’s mysterious, seryoso, tahimik, ganun.

“He’s usually not.”

May ‘do’s and don’ts ba sila sa kanilang relasyon?

Ayon kay Nadine, “Well, we know what’s right and wrong and we know what not to do.”

May ginawang kanta si James na nasabi nitong nakita na niya ang “forever.” Ano ang pakiramdam ni Nadine sa ginawang kanta ni James?

“Ang haba ng hair ko!” natawang sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN