Jonalyn Viray refutes Aicelle Santos's statement about her network transfer

Jona on former La Diva co-members Aicelle Santos and Maricris Garcia: "Though hindi na po kami yung sobrang close, very close katulad ng dati, pero I still respect them. Talagang ako po, never po akong nagsalita ng masama against them. Nirerespeto ko po sila bilang artist, bilang person."


Hiningan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating Kapuso singer na si Jonalyn Viray – na ngayon ay kilala na bilang si Jona simula nang lumipat siya sa ABS-CBN – tungkol sa naging pahayag ng dati niyang kamiyembro sa La Diva na si Aicelle Santos kaugnay ng paglipat niya ng TV network.

Ang La Diva ang dating singing group sa GMA-7 nina Jona, Aicelle, at Maricis Garcia.

Ayon kasi kay Aicelle sa interview niya, na naunang lumabas dito sa PEP noong February 25: “Noon pa naman gustong lumipat ni Jonalyn. Buo pa ang La Diva noon. Alam na namin ni Maricris na may plano talaga siyang lumipat sa kabila.”

Read: Aicelle Santos on Jonalyn Viray's network transfer: 'Noon pa naman gustong lumipat ni Jonalyn.'

Kinontra naman ni Jona ang pahayag na ito ni Aicelle.

Pahayag ng bagong Kapamilya singer, “Paano po kaya iyon magiging posible kasi I’m still under contract with GMA [that time]?

“Parang sa sarili ko, paano ko masasabi na buo pa ang La Diva, e, gusto ko nang lumipat?

“Samantalang during those times, naka-focus po talaga ako sa La Diva.”

Nakausap ng PEP si Jona sa grand presscon at presentation ng 15 finalists sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016, na ginanap noong March 17 sa Luxent Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City.

Isa si Jona sa napiling interpreters. Kakantahin niya sa finals night sa April 24 sa KIA Theater ang awiting “Maghihintay Ako” composed by Dante Bantatua.

Ang Himig Handog P-Pop Love Songs ang annual OPM songwriting competition ng ABS-CBN at Star Music.

OFFENDED? Ayon kay Jona, may nagparating sa kanya tungkol sa sinabing ito ni Aicelle. Kaya ang tanong namin sa kanya ay kung na-offend ba siya rito.

Tugon niya, “Parang may mga nagsabi po sa akin.

“Pero kasi sa busy po ngayon sa pag-promote po namin ng Himig Handog, ayoko pong masyadong pag-focus-an iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ang masasabi ko na lang po is medyo na-off po ako dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi iyon totoo.

“Kasi during the time na buo pa ang La Diva, magkakagrupo, talagang doon ko po ibinuhos yung energy ko, yung focus ko.

“Marami kami noon naging projects, so naka-focus lang po ako doon.

“Hindi po ako nag-iisip na habang nandoon ka, e, gusto mo nang lumipat sa kabilang station.

“Wala po akong inisip na ganun.”

May mga lumabas na isyu noon na, diumano, siya ang dahilan kung bakit nabuwag ang La Diva. Gaano ito katotoo?

Ayon kay Jona, “Ang masasabi ko po doon is kasi dumarating po sa point na kailangan niyo na rin pong mag-grow, mag-move on, para sa ikaka-better din ng ano niyo, ng craft.

“So, that’s why nag-decide din po ako na, ‘I think this is the time na to go back to my roots [as a solo singer].’

“And I think naging better din naman po ang result with the other girls, dahil tingnan niyo rin po yung mga opportunities na dumarating sa bawat isa sa amin.

“Kaya po nung time na iyon, napag-isipan ko, and also decision din naman po iyon ng management, dahil dumating sa point na parang naging stagnant po for a while.

“So, we need to do something.”

Pero masasabi niya bang magkakaibigan pa rin sila nina Aicelle at Maricris?

Sagot ni Jona, “Ngayon po, though hindi na po kami yung sobrang close, very close katulad ng dati, pero I still respect them.

“Talagang ako po, never po akong nagsalita ng masama against them.

“Nirerespeto ko po sila bilang artist, bilang person.

“So, kung mate-trace niyo po sa lahat ng interviews ko, wala po talaga akong sinasabing masama about them.”

HAPPY AS A KAPAMILYA. Sa kabila ng mga isyu, tumatanaw pa rin ng utang na loob si Jona sa GMA Network, gayundin sa grupo niyang La Diva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, masaya lang si Jona bilang bagong Kapamilya singer.

Kalilipat niya pa lang daw pero sunud-sunod na ang mga ginagawa niyang proyekto.

Una na nga riyan ang pagkanta niya ng theme song ng teleseryeng We Will Survive, na pinagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros.

“Nakakatuwa na ang daming ginagawa at may mga naka-line up pa,” sabi ni Jona.

Ibinalita rin ng singer ang gagawin niyang album under Star Music.

“Working for an album po, so abangan na lang po. Malapit na po kaming mag-start.

“Kasi, right now, nagpo-focus po kami dito sa Himig Handog.

“So, maybe after that, makapag-start na po kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN