Mikael Daez swears off nude selfies and cybersex

Mikael Daez to young stars involved in sex video scandals: "You don't go through life being perfect, you try to be perfect by learning from your mistakes... Kung totoo man o hindi, learn from your mistakes, deal with the issue respectfully and properly. Unless iyon ang gusto mo."


Minsan na ring nasangkot si Mikael Daez sa photo/video scandal noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Sa kasagsagan ng pagkalat noon ng diumano'y photo scandal ni Mikael ay tiyempong presscon ng epic-serye na Amaya, ang una niyang big break sa GMA Network noong 2011. Umalis agad siya sa naturang presscon.

Read: Mikael Daez denies avoiding interviews because of nude photo scandal

“Oo, pero later on, siyempre finace [face] ko na rin,” pagbabalik-tanaw ng Kapuso hunk.

Inamin ba niyang siya yung nasa nude photo na iyon?

Sagot ni Mikael, “No! No, never kong inamin yun. That wasn’t mine.

“I said that when it comes to issues naman kasi, hindi naman iyon ang tumutulak ng career mo, e.

“And I will stand by that because that’s also what I’ve said before.

“I think I was very upfront with it and I stood by it.”

Mariin ding sinabi ni Mikael na hindi pa siya nakakaranas makipag-cybersex, “I never tried.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa presscon ng upcoming primetime series na Poor Señorita nitong Miyerkules, March 16, sa GMA Network Center.

SCANDAL. Masasabing masuwerte si Mikael na sa litrato lamang siya nagkaroon ng ganoong isyu.

Ngayon ay malaswang videos at photos ng local male celebrities ang kumakalat. Ang ibang sangkot ay kasamahan pa ni Mikael sa Kapuso network

Pahayag niya tungkol dito, “May mga kilala nga rin ako na, yun nga, parang nali-link dun sa mga issues na ganun.

“I think, over the course of growing up, may mga nagyayari talagang mga bagay-bagay.

“And hindi na natin makokontrol kasi learning experience 'yan.

“You don’t go through life being perfect, you try to be perfect by learning from your mistakes.

“So, para sa akin… kung totoo man o hindi, learn from your mistakes, deal with the issue respectfully and properly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag nang gumawa ng isa pang isyu galing sa isang isyu, di ba?

“Unless iyon ang gusto mo.”

ADVICE. May advice ba siya sa mga artistang nasasangkot sa ganitong eskandalo?

Saad ni Mikael, “Well, like I said, sa lahat ng mga artist na may issue…

“Because you have talent, focus lang kayo dun sa talent niyo, kasi iyon talaga yung tutulak sa career niyo.

“Siyempre, may mga tao talaga na ipo-post nang ipo-post 'yan, ise-share nang ise-share 'yan.

“On the Internet, everything is permanent, okay?

“Nung walang Internet, wala pang permanent sa buhay, e!” tawa pa niya.

“Ngayon, because of the Internet, there is permanence for things like that.

“Pero iyon nga, I go back to the point na hindi ko dapat pansinin yung mga ganyan.”

Dagdag niya, “Well, I think, at the end of the day pa rin, mga artista sila, e.

“Kilala ko yung iba diyan. Talented 'yang mga 'yan.

“Ipakita lang nila yung talent nila at iyon ang magtutulak sa career nila.

“At iyon yung magbibigay ng happiness sa kanila.

“Yung totoong tumutulak ng career mo, yung performance mo sa mga art mo, sa craft mo.

“So, iyon talaga yung tututukan mo.

“And, I think, since then, ngayon ko lang na-realize na sinasabi ko pala yun dati.

“I hope that I’ve made the point na, I think, I have been able to progress naman in my career by focusing on trying to improve.

“So, kahit ngayon, sa show na ito, Poor Señorita, ang laking pressure na inilalagay ko sa sarili ko para mag-improve at para talagang maging sobrang solid yung character.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN