Paolo Ballesteros: "I miss you too, mga Dabarkads! Woooh!"

Paolo Ballesteros posts on Instagram his response to his supporters who miss him. More popularly known as Lola Tidora in Eat Bulaga's Kalyeserye, he is reportedly suspended from the show for six months following his Facebook rant almost two weeks ago.


Sa unang pagkakataon ay nagparamdam nitong weekend si Paolo Ballesteros sa kanyang mga tagasuporta sa Instagram na humihiling na bumalik na siya sa Eat Bulaga.

Ito ay sa kabila ng pananahimik ng kampo ng TV host-actor hinggil sa isyung suspendido siya, kung kaya't hindi siya napapanood sa Kapuso noontime show higit isang linggo na ang nakalilipas.

Sunud-sunod ang pakiusap ng mga tagasuporta ni Paolo sa Instagram na bumalik na siya at nagtatanong kung kailan siya babalik, pero hindi sumasagot dito ang Eat Bulaga mainstay.

Pero nitong Sabado, March 19, naglagay ng selfie post si Paolo sa kanyang Instagram account at nagparamdam sa mga tagasuporta niya.

Bahagi ng kanyang caption: “I miss you too mga Dabarkads! Woooh!”

Sa ngayon, ito pa lamang ang tanging reaksiyon ni Paolo sa gitna ng isyung kinasasangkutan.

Kasama si Paolo sa Eat Bulaga! segment na Kalyeserye, kung saan ginagampanan niya ang role na Lola Tidora; kasama sina Jose Manalo (as Lola Tinidora) at Wally Bayola (as Lola Nidora).

Ang sinasabing dahilan ng pagkakasuspinde kay Paolo ang ginawa niyang pagra-rant sa Facebook noong March 10, Huwebes, tungkol sa hindi pag-asikaso sa kanya at mga kasamahan niya sa hotel na kanilang tinuluyan sa Subic para sa Ad Summit 2016.

Bukod sa isyung ito, may bali-balita ring umiinom diumano ang noontime show co-host habang nasa set ng Kalyeserye, pero pinagtatakpan lang daw siya ng staff ng programa dahil mabait naman daw ito sa kanila.

Sa kampo naman ng Eat Bulaga!, sinabi ng vice president ng TAPE Inc. na si Malou Choa-Fagar na “internal matter” ang isyu tungkol kay Paolo at nasa company policy na huwag i-discuss sa publiko ang internal matters.

Read: Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga for six months?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN