Kris Aquino admits fear of not having a TV show after 20 years

Kasalukuyang nasa bakasyon sa ibang bansa si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua Aquino at Bimby Yap. Gayunpaman, pinangangambahan ni Kris ang kanyang pagbabalik sa bansa dahil wala na siyang palabas sa telebisyon.


Kasalukuyang nasa bakasyon na si Kris Aquino kasama ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Itinuturing ito ng Queen of All Media na isang "wellness break" dahil gusto raw niyang maging healthy para sa kanyang dalawang anak.

Bye everybody... I'll give you a weekly wellness progress update. ??????

A photo posted by Kris Aquino ???? (@kriscaquino) on

Kaya naman pagkatapos ng halos 20 taong pamamayagpag sa telebisyon, tatalikuran muna pansamantala ni Kris ang limelight.

Read: Kris Aquino to leave ABS-CBN after 20 years

“THERE IS FEAR.” Nitong nakaraang Sabado, March 19, habang nasa shoot ng kanyang bagong television commercial, naglabas si Kris ng saloobin sa Instagram at Facebook tungkol sa mga pangamba niya.

Bahagi ng kanyang mensahe: “Mixed emotions now- looking forward to my wellness break & devoting 100% to mothering my 2, but there is fear in coming home & not having a tv program on air after 20 straight years.”

Hindi rin naitago ni Kris na mami-miss niya ang kanyang fans na ilang taon din siyang sinuportahan sa mga proyekto niya sa telebisyon at pelikula.

I'll miss you... ???

A photo posted by Kris Aquino ???? (@kriscaquino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN