Did Andi Eigenmann hit ex-boyfriend Jake Ejercito on Twitter?

Nakaagaw ng pansin ng ilang netizens ang ilang tweets ng aktres na si Andi Eigenmann na agad din niyang binura. Bagamat walang binanggit na pangalan, pinaniniwalaang patama ito ni Andi sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.


“Pwede ka nga mag-showbiz. Ang plastic mo eh.”

Ito ang nakakaintrigang post sa Twitter (@andieigengirl) ng Kapamilya actress na si Andi Eigenmann kahapon, March 22.

Sinundan pa niya ito ng ganitong tweets:

Ngunit ilang sandali lamang ay binura rin ni Andi ang mga post niyang ito sa kanyang Twitter account (@andieigengirl).

Pero may mga netizen na nakapag-screen grab nito at ni-repost sa Internet.

Pinaniniwalaang ang mga tweet na ito ni Andi ay patungkol sa naging pahayag ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito sa artikulong nailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon din.

Si Jake ay sumabak na sa pag-arte bilang bahagi ng Lenten special ng Eat Bulaga!, ang God Gave Me You, kung saan kasama niya ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nang tanungin kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon ni Andi, sinabi ni Jake na “we’re friends.”

Ayon pa sa anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez, nananatili silang magkaibigan magmula nang mag-break sila.

Pero nilinaw rin ni Jake na magkaibigan sila ni Andi “without benefits.”

Sinabi rin ni Jake na humigit-kumulang “two years” na silang break ni Andi, at tumagal daw ng “four to five” years ang kanilang relasyon.

Read: Jake Ejercito says he and ex-GF Andi Eigenmann are just friends: 'Without benefits, definitely!'

Kahit tapos na ang kanilang relasyon ay nakikita pa rin silang magkasama sa mga lakad o bakasyon, katulad na lamang nang magpunta sila sa Cebu kamakailan, kasama ang iba pang mga kaibigan nila.

Malapit na malapit din si Jake sa anak ni Andi na si Ellie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN