Nadine Lustre to JaDine fans: "Spread LOVE not HATE."

Si Nadine Lustre na mismo ang nakiusap sa kanilang mga tagahanga ni James Reid na itigil na ang pangba-bash sa ibang artista.


Mukhang nakarating na kay Nadine Lustre ang mensahe ni Ericka Villongco na ipinadala ng huli through direct messaging (DM) sa Instagram.

Si Ericka ang dating girlfriend ng boyfriend ngayon ni Nadine na si James Reid.

Marahil, may kaugnayan ang mensahe ni Ericka sa hindi pa rin matigil-tigil na pamba-bash sa kanya ng fans nina James at Nadine o mas kilala sa tawag na JaDine.

Matatandaang nitong nakaraang Lunes, March 21, pinutakti ng bashers ang isang post ni Ericka tungkol sa kanyang kaarawan.

Marami sa mga ito ay tinatawag siya ng kung anu-anong masasakit na salita; katulad na lamang ng 'hindi maka-move on,' 'retokada,' at 'papansin.'

Dahil dito, naghayag ng kanyang saloobin si Ericka tungkol sa bashers na pinaniniwalaan niyang JaDine fans.

Read: Ericka Villongco appeals to JaDine fans to stop bashing her: 'Can't I live my life in joy and peace?'

STOP THE HATE. Nitong nakaraang Sabado, March 26, isang maiksing mensahe ang ibinahagi ni Nadine sa kanyang followers sa Twitter.

Sabi ng 22-year-old Kapamilya star: "Spread LOVE not HATE. Stop bashing JaDines."

Dahil dito, nakiusap ang ilang fans sa kanilang kapwa JaDine fandom na pakinggan si Nadine at huwag nang i-bash si Ericka.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN