Jasmine Curtis-Smith is now in a relationship with Jeff Ortega?

Jeff Ortega uses the hashtag 'GoodBoyfriend' in his Instagram post of Jasmine Curtis-Smith's photo.


Nauwi na nga ba sa seryosong relasyon ang pagtitinginan ni Jasmine Curtis-Smith at ng idine-date nitong businessman na si Jeff Ortega?

Nitong February, nakunan si Jasmine na “very close” sa isang non-showbiz guy na sinasabing idine-date ng aktres.

Read: Jasmine Curtis-Smith spotted being 'cozy' with non-showbiz guy

Inamin naman ni Jasmine na nagdi-date nga sila ni Jeff, isang businessman at mula sa isang political family sa La Union.

Pero sa Instagram posts ni Jeff, may mga indikasyong magkarelasyon na ang dalawa.

Dalawang linggo na ang nakararaan, nag-post si Jeff ng larawan ni Jasmine na kuha sa isang restaurant sa Tagaytay City.

Ang tanging caption ni Jeff dito: “#GoodBoyfriend”

#GoodBoyfriend ???

A photo posted by Jeff Ortega (@jeffortega) on

Sa comment section, nag-comment ang ate ni Jasmine na si Anne Curtis at sinabing kinilig siya rito.

Nito namang Holy Week, muling nag-post si Jeff ng larawan niya kayakap ang isang babaeng naka-one piece bathing suit sa may beach at may hawig kay Jasmine.

Sa hiwalay na post ni Jasmine, makikita na naka-one piece bathing suit ang aktres, kahawig ang design ng suot na bathing suit ng dalagang kayakap ni Jeff.

Beautiul escape ??? @cesaph

A photo posted by Jasmine (@jascurtissmith) on

Sa comment section naman, binanggit ng netizens na si Jasmine nga ang kasama at kayakap ni Jeff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN