Erich Gonzales, Daniel Matsunaga celebrate first anniversary as a couple

Erich Gonzales on working with boyfriend Daniel Matsunaga on Be My Lady: "Mas nakikilala pa po namin ang isa't isa and we get to spend more time with each other. It's just ano we make more memories po."


Sunud-sunod ang magandang balitang natatanggap ng Be My Lady stars na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Nitong Lunes ng hapon, March 28, humarap ang dalawa sa mga miyembro ng press at bloggers upang ibalita na extended ang kanilang daytime drama series sa ABS-CBN.

Ito'y dahil patuloy ang magandang nationwide ratings na Be My Lady, base sa datos mulas sa Kantar/TNS Media, sa mahigit dalawang buwan nito sa ere.

Bukod dito, ipinagdiriwang nina Daniel at Erich ang kanilang unang anibersaryo bilang magkarelasyon.

Unang inamin ni Daniel na sila na ni Erich, sa pamamagitan ng Instagram, noong May 2015.

Read: Daniel Matsunaga finally confirms relationship with Erich Gonzales

Paano ipinagdiwang ng magkasintahan ang kanilang first anniversary?

Ayon kay Erich, “We celebrate it every day po, every time na we’re together. Every day is special with him.”

Isang simpleng dinner lang din daw ang kanilang ginawa dahil na rin sa busy schedule nila.

Aniya, “Just a very simple dinner po, yun… no nothing, yun po.

“Those simple things, yun talaga yung nagma-matter po sa amin.

“Yung time for each other, yun po. Hindi na yung mga material things, di ba?

“Kasi hindi naman natin 'yan nadadala sa heaven, so it’s really like more of spending time with the one that you love po.”

TRIP TO BRAZIL. Nais din ni Daniel na isama si Erich sa Brazil upang makilala ang iba pang mga kamag-anak niya, ngunit hindi pa nito magawa ang plano dahil na rin sa kanilang schedule.

Saad ng Brazilian-Japanese model-actor, “Marami kaming plans but the thing is, kasi yung schedule namin, di ba?

“Super maraming work and that’s a blessing.

“So, in spite of the work, siyempre when we have time, I really want to bring her to Brazil.

“And for [me] to bring her to Brazil, it takes time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You need, I would say a month, di ba, kasi I want to bring her around and to get to see the rest of my family there and everything.

“So that’s my priority right now, and yun, siyempre we want to travel everywhere.”

Sabi naman ni Erich, “Anniversary or not, parang he makes every day special talaga, he makes sure.”

FOREVER. Halos kasabay ng kanilang anniversary ay ang panganganak ng kapatid ni Daniel na si Vanessa Matsunaga sa una nitong anak na si Baby Isabella nitong March 11.

Hindi naman na idinetalye pa ng magkasintahan ang eksatong araw kung kailan ang kanilang anniversary.

Bahagi ni Daniel, “Malapit sa one year namin, I also got to have a niece, di ba?

“And siyempre my family also, they really needed our help.

“So, at the same time, we were really helping them, giving our best to help my sister, kasi yun yung first anak niya.

“And yun, masaya kami. We’re enjoying every day with each other and that’s most important for me.”

Masasabi kaya ni Daniel na si Erich na ang kanyang 'forever'?

Sagot ng model-actor, “Of course, YES! With capital letters!”

Paliwanag pa nito, “We put it in God’s hands. God really has a big plan for the two of us.

“If we put Him in the center, I’m sure He will do everything He can to help us, as well.

“So, ayun, this is just the beginning.”

Pagsang-ayon naman ni Erich, “If God wants it to happen, we will make it happen.”

DANRICH. Sa halos araw-araw na pagkikita ng dalawa, tila patuloy pa rin ang pagyabong ng kanilang relasyon lalo na't todo ang suportang ibinibigay nila sa isa't isa.

Pahayag ni Erich, “We support each other talaga, like kahit na hindi ko eksena or eksena niya, nandun ako to support him, to give him ano, kung anuman kailangan niya para…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun naman, bigayan po talaga, hindi puwedeng ako lang.”

Masaya rin si Erich sa suportang ibinibigay ng boyfriend sa kanya.

“Siyempre po it’s such a nice feeling, di ba?

“Ang importante naman talaga, be with someone who uplifts you every day—emotionally, spiritually, mentally.

“So, ganun po yung ginagawa niya sa akin every day.”

Aminado din ang 25-year-old actress na mahirap pagsabayin ang love life at trabaho ngunit masaya itong nakikilala pa niya nang lubusan ang kasintahan dahil na rin sa kanilang programa.

Sabi ni Erich, “So far so good, yun nga rin po ang worry ko, kasi first time ko makatrabaho yung karelasyon.

“So, parang iniisip ko, hindi magwo-work kasi siyempre, parang ako po, iba ang trabaho sa personal life.

“Pero ngayon po with Be My Lady, everything is going well.

“Mas nakikilala pa po namin ang isa’t isa and we get to spend more time with each other.

“It’s just ano we make more memories po.”

Ayon naman kay Daniel, “Narinig namin from friends and everything, di ba, that, you know, it’s really hard to have a relationship and a show, a soap opera at the same time.

“But, well, I guess, God is really good and He’s really in the center of our relationship.

“Lahat ng opportunities na ibinigay ni Direk Ruel [Bayani] at ABS-CBN sa amin, we are doing good.

“And it’s such a blessing ‘cause we’re getting to know each other better and better, and we’re going stronger.”

Sa ngayon, hindi pa raw sila nagkakaroon ng tampuhan sa set.

Sabi ni Daniel, “We didn’t have [any] yet but I guess, just by talking, by understanding each other and trust. Trust is very important, as well.

“So if something happened between [us] two, we’ll just talk and we’ll be very professional and we’ll handle things right.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN