Sarah Geronimo bonds with Matteo Guidicelli's family in Cebu

Sarah Geronimo gets cozy with the Cebu-based family of her boyfriend Matteo Guidicelli. (In photo) Sarah embraced by Matteo's mom Glenna, with Matteo's lola, dad Gian Carlo, little brother Paolo, and sister Giorgia.


Nakipag-bonding si Sarah Geronimo sa pamilya ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli nitong weekend nang magtungo ang Popstar Princess sa Cebu upang makasama ang aktor sa pagdiriwang nito ng kanyang 26th birthday noong Sabado, March 26.

Read: Sarah Geronimo joins Matteo Guidicelli in Cebu to celebrate his birthday

Makikita rin sa mga larawang ipinost sa social media na nakasama rin ng aktor si Sarah sa blessing ng restaurant nito sa Cebu, ang Trattoria Da Gianni.

Makikita naman sa mga larawan ang pagiging sweet nina Matteo at Sarah habang magkaakbay sa iisang upuan.

(Photo from Twitter)

(Photo from Twitter)

(Photo from Twitter: @Sophiaaaz_)

May mga larawan din si Sarah na kasama si Matteo at ang buong pamilya nito.

Sa isang larawan, makikita si Sarah na yakap-yakap ng ina ni Matteo na si Glenna Fernan Guidicelli.

Nasa larawan din ang ama ni Matteo na si Gian Carlo Guidicelli at ang mga kapatid ng aktor na sina Paolo at Giorgia.

(Photo from Twitter: @Sophiaaaz_)

(Photo from Twitter)

(Matteo with siblings Paolo and Giorgia and Sarah. Photo from Instagram)

Sa Instagram ng entertainment columnist ni Ahwel Paz, ipinost niya ang mensahe ni Matteo at sinabi nitong “Sarah was also here the other day.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN