Did Paulo Avelino join Bea Alonzo and Enchong Dee in Singapore?

In this photo posted by Enchong Dee on his Instagram account, where he was joined by actress Bea Alonzo and his handler Monch Navales, there appears to be man at the back who looks like actor Paulo Avelino. Fans started to speculate that Bea and Enchong were joined by Paulo in their Singapore trip, and reviving the rumor about Bea and Paulo.


Naging tampulan ng intriga mula sa fans ang Instagram post ni Enchong Dee noong Linggo, March 27.

Sa naturang larawan, makikitang kasama ni Enchong ang kapwa Kapamilya star na si Bea Alonzo at ang handler ng aktor na si Monch Navales sa kanyang #EnchongAwesomeTravel sa Singapore.

Pero agad ding napansin ng followers ni Enchong na nasa bandang likuran nila si Paulo Avelino.

Dahil dito, hindi naiwasan ng ilang fans na muling iugnay sina Bea at Paulo.

Bukod sa larawang ito ni Enchong, isang PEP reader din ang nagbahagi ng status ng isang Facebook user kung saan nakita raw niyang sabay na nag-check-in sina Paulo at Bea sa The St. Regis Hotel sa Singapore.

Matatandaang minsan nang na-link sina Bea at Paulo sa isa't isa noong unang lumabas ang balitang nagkakaproblema ang relasyon ng aktres sa dating boyfriend nitong si Zanjoe Marudo.

Bali-balita noon na isa si Paulo, naging kapareha ni Bea sa teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon (2014), sa dahilan ng pagkakalabuan noon ng dating magkasintahan.

Ngunit agad naman itong nilinaw ni Paulo at sinabing, “Nagkataon lang na parang nakita [kami] sa labas… may mga kasama.”

Read: Paulo Avelino denies rumored romance with Bea Alonzo

Mapapansin naman na sa mga sumunod na Instagram posts ni Enchong, gayundin ni Bea, silang dalawa na lamang ang magkasama o minsan ay kasama si Monch sa mga larawan.

Pleats please ????????? #EnchongAwesomeTravel ???

A photo posted by Enchong Dee (@mr_enchongdee) on

Hanggang ngayon ay wala pang tugon sina Enchong at Bea sa tanong ng followers kung kasama nga nila si Paulo sa kanilang bakasyon sa Singapore.

Sa kabila nito, may ilang fans naman ang nagtanggol sa pangungutya ng fans kina Paulo at Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN