Derek Ramsay and girlfriend Joanne Villablanca declare their love for each other on Instagram

Derek Ramsay and girlfriend Joanne Villablanca are now more open about their relationship that they are also more vocal about declaring their love for each other.


Ibinahagi ni Derek Ramsay at ng non-showbiz girlfriend niyang si Joanne Villablanca sa Instagram ang kanilang naging bonding sa isang isla sa Palawan nitong nakaraang Holy Week.

Bukod sa kanilang dalawa, kasama rin nila ang mga magulang ng aktor at ilang mga kaibigan.

Sa IG posts ni Joanne, kitang-kita kung gaano sila kasaya ni Derek sa kanilang Holy Week adventure sa San Vicente, Palawan, kung saan mayroong rest house ang pamilya ng aktor.

Paborito ring pasyalan ito ng magkasintahan. Sa katunayan, dito rin sila nagbakasyon noong isang taon during Holy Week.

Sa Palawan din nag-bonding si Derek at ang kanyang 12-anyos na anak na si Austin, kasama si Joanne, noong Bagong Taon.

Base sa mga caption at comment, bukod sa kulitan, naging vocal din sina Derek at Joanna sa kanilang pagmamahal sa isa't isa.

I promise to build a new world for us twooo, with yoouu in the middle ?????? #palawanholyweek2016

A photo posted by Joanne Villablanca (@villablancs) on

Mensahe ni Joanne kay Derek: “Love you always, Mr. Pakipot.”

Sagot naman ni Derek: “Love you more, babe.”

No way but up love! Matira matibay ???? lol love you always mr. Pakipot

A photo posted by Joanne Villablanca (@villablancs) on

Why am I so sad in this photo? @villablancs

A photo posted by @ramsayderek11 on

Unang naiulat ang tungkol sa relasyon nina Derek at Joanne halos isang taon na ang nakalilipas.

Si Joanne ay isang part-time model at mayroon nang anak mula sa dating karelasyon niya.

Sinabi ni Derek na hindi naman iyon isyu sa kanya dahil mayroon na rin siyang anak mula sa pinakasalan niya noong si Mary Christine Jolly.

Read: Derek Ramsay defends ex-gf Angelica Panganiban: 'I know for a fact na hindi niya inagaw si John Lloyd kay Shaina.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN