Chito Miranda shows support for Gloc-9

Chito Miranda tells good friend and fellow musician Gloc-9: "Smart people will understand and respect you... the others who don't, don't matter."


Isang mensahe ng pagsuporta ang ipinarating ni Chito Miranda para sa kanyang kapwa music artist na si Gloc-9 sa Instagram post niya kagabi, March 30.

Kasunod ng pagpapaliwanag ni Gloc-9 ng kanyang performance sa proclamation rally ng tumatakbong alkalde ng Makati City na si Abby Binay, sinabi ni Chito sa kanyang malapit na kaibigan: “Relax lang parekoy!”

Dagdag pa ng Parokya Ni Edgar frontman, “Smart people will understand and respect you... the others who don't, don't matter.”

Relax ka lang parekoy! Smart people will understand and respect you...the others who don't, don't matter. #Repost @glocdash9 ??? Pinag sabihan po ako ng aking management na huwag nang mag salita tungkol dito pero di ko po kaya. Nais ko pong malaman ng lahat na nababasa ko ang mga saloobin ninyo at nirerespeto ko ito kahit na minsan masasakit na ang mga salitang kasama nito. Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang galang na din po sa mga nag sasabing hindi pwedeng TRABAHO LANG ITO dahil ITO LAMANG NAMAN PO ANG TRABAHO KO. Hindi po ito hobby na naging trabaho ito po ay isang pangarap na ipinaglaban ko ng halos dalawang dekada sa kahit na saan ano at kanino at maitutuloy ko lamang ito kung ito ang magiging hanap buhay ko. Ako ay kumakanta sa entablado ng ibat ibang kandidato marahil ay hindi nyo lang gusto ang isang entabladong sinampahan ko. Katulad ng lahat may kanya kanyang dungis na ibinabato sa bawat isa sa kanila gayon paman i wish all the candidates good luck sa darating na elections at naway ang mapipili ay tunay na mag sisilbi at tamang mamumuno sa bayan natin. At sa may mga sama ng loob kung sakaling ang lahat po ng bintang duro at akusasyon ninyo sa huli ay mapapatunayang tama at tunay hihingi po ako ng tawad ngunit hindi sa kahit na sino man dahil higit sa aking pagiging manunulat ng awitin, higit sa aking pagiging ehemplo at higit sa aking pagiging mamamayan ako po ay isang Ama. Hihingi ako ng tawad sa aking mga anak dahil naniniwala ako na sa kanila lamang ako may pananagutan. Salamat po. Gloc-9

A photo posted by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Inulan ng batikos si Gloc-9 matapos niyang mag-perform sa Binay proclamation rally kamakailan.

May ilang followers na nadismaya sa naging desisyon ng Pinoy rapper dahil kilala ang mga awitin niya sa matinding pagbatikos sa gobyerno at mga pulitiko.

May ilan namang inintindi ang kalagayan ni Gloc-9 at sinabing trabaho lamang ang ginawa niya.

Read: Gloc-9 criticized for performing at Binay proclamation rally

Ito rin ang naging paliwanag ni Gloc-9 sa kanyang social media accounts kahapon: “Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang-galang na din po sa mga nagsasabing hindi pwedeng TRABAHO LANG ITO dahil ITO LAMANG NAMAN PO ANG TRABAHO KO.”

Read: Gloc-9 breaks silence on criticisms against him after performing at Binay political rally

SOLID DUTERTE. Samantala, sa hiwalay na Instagram post, muling inihayag ni Chito ang kanyang suporta sa presidential candidate na si Rodrigo Duterte.

Kaaugnay nito, nagbigay paalala rin siya sa mga botante na irespeto kung sino ang pipiliing kandidato ng mga kapwa botante, lalo pa't salungat sa kanilang napili.

Narito ang kanyang mensahe: “Si Gloc, para kay Binay. Si Ramon naman, para kay Mar.

“Ako, solid DUTERTE.

“Pero ang importante, we respect each other kahit magkaka-iba kami ng kandidato at kahit magkaka-iba kami ng opinion at paniniwala.

“Ganun lang kasimple yun kasi ganun naman talaga dapat.

“Kaya pansinin nyo, kahit solid DUTERTE ako, I always remind everyone not to say anything negative about the other candidates bilang respeto for those who support them, and more importantly, never to bash yung mga tao na may ibang opinion at paniniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ok lang syempre mag-disagree, as long as hindi nawawala ang respeto sa usapan, upang mapanatiling matalino at peaceful ang diskusyon.

“Having said that, pinaninindigan ko ang akin opinion at paniniwala na si DUTERTE talaga ang kelangan ng Pilipinas.

“At sa mga hindi sumasang-ayon sa akin, I respect your opinion, as long as you respect mine.

“God bless the Philippines, and goodluck sa ating lahat.

“Peace at goodvibes.”

Si Gloc, para kay Binay. Si Ramon naman, para kay Mar. Ako, solid DUTERTE. Pero ang importante, we respect each other kahit magkaka-iba kami ng kandidato at kahit magkaka-iba kami ng opinion at paniniwala. Ganun lang kasimple yun kasi ganun naman talaga dapat. Kaya pansinin nyo, kahit solid DUTERTE ako, I always remind everyone not to say anything negative about the other candidates bilang respeto for those who support them, and more importantly, never to bash yung mga tao na may ibang opinion at paniniwala. Ok lang syempre mag-disagree, as long as hindi nawawala ang respeto sa usapan, upang mapanatiling matalino at peaceful ang diskusyon. Having said that, pinaninindigan ko ang akin opinion at paniniwala na si DUTERTE talaga ang kelangan ng Pilipinas. At sa mga hindi sumasang-ayon sa akin, I respect your opinion, as long as you respect mine. God bless the Philippines, and goodluck sa ating lahat. Peace at goodvibes.

A photo posted by Chito Miranda (@chitomirandajr) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN