Rosanna Roces to marry lesbian lover Blessy Arias twice

Sa Canada at dito sa Pilipinas magpapakasal si Rosanna Roces at ang live-in partner nitong si Blessy Arias. Isang Aglipayan church minister ang mag-o-officiate ng kanilang Manila wedding sa Disyembre.

 


Dalawang beses magpapakasal si Rosanna Roces at ang kanyang lesbian partner na si Blessy Arias.

Una ay sa Canada sa darating na Agosto. Pangalawa rito sa Pilipinas sa December 10.

Ayon sa kolum ni RK Villacorta sa Pinoy Parazzi tabloid ngayong araw, April 1, sa Niagara Falls daw sa Canada gagawin ang first wedding ng 43-year-old actress at ni Blessy.

Ang Manila wedding naman ay talagang nakaplano na raw upang makadalo at makasama ang mga kaibigan at kapamilya nila.

Isang Aglipayan church minister ang mag-o-officiate ng kanilang kasal dito sa Pilipinas.

Ngayon daw ay nagpapagawa na ng bahay sina Rosanna at Blessy.

Handa na ba si Rosanna sa matatanggap na batikos at panlalait sa mga tutol sa same-sex marriage?

Buwelta ng aktres: “Kailan ba ako nagkaroon ng pakialam sa sasabihin ng tao? Nag-asawa nga ako ng bakla dati, di ba?”

Isang negosyante si Blessy na may mga lupain at paupahang bahay sa Mindoro.

Siya rin ang tumatayong road manager ngayon ni Rosanna.

Unang inamin ni Osang na may karelasyon siyang tomboy nitong nakaraang Pebrero.

Read: Rosanna Roces to marry her lesbian lover


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN