Mariel Rodriguez proud of husband Robin Padilla for helping Kidapawan farmers

"That's why we all love you!!!" Mariel Rodriquez proudly declares on Instagram, praising husband Robin Padilla's sympathy and support for the bereaved families of the Kidapawan farmers in North Cotabato.


Proud na proud si Mariel Rodriguez sa kanyang asawang si Robin Padilla sa tulong at pakikiramay na ibinigay niya sa mga pamilya ng mga magsasakang apektado ng trahedya na naganap sa Kidapawan, North Cotabato.

Nang malaman kasi ng action superstar ang tungkol sa violent police dispersal na ipinataw sa anim na libong magsasakang nagsagawa ng kilos-protesta noong Abril 1, Biyernes, sa Kidapawan, North Cotabato, kumilos siya agad upang kausapin at magbigay suporta sa mga magsasaka.

Nagbigay din si Robin ng 200 sako ng bigas sa mga nakararanas ng gutom at sumali sa kilos-protesta para humingi ng bigas sa lokal na gobyerno.

READ: Robin Padilla flies to North Cotabato to sympathize with families of Kidapawan incident victims

Kahapon, Abril 2, nag-post si Mariel sa Instagram ng larawan ni Robin na yakap-yakap ang isang magsasaka na tila ay nagpapasalamat sa action star.

Caption niya dito: “That's why we all love you!!!

“This morning my husband left for Davao to mourn with the families of the farmers in Kidapawan. photo © @venzie of twitter.”

Sa magkakahiwalay na ulat, kumpirmadong may mga namatay, nasugatan, at nawawala matapos ang engkuwentro ng mga pulis at mga magsasaka.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN