Aiza Seguerra lambasts North Cotabato governor over violent dispersal of farmers

Ikinagalit ni Aiza Seguerra ang naging hakbang ng loka na pamahalaan ng North Cotabato sa hindi nito pagtulong sa mga nagugutom na magsasaka. Kung ginawa daw kasi nila ang karampatang aksiyon, hindi n asana humantong pa sa madugong dispersal ang nangyaring rally ng mga magsasaka noong April 1.


Ikinababahala ng singer na si Aiza Seguerra ang nangyaring engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at humigit-kumulang 6,000 na mga magsasaka noong April 1 sa Cotabato.

Sa huling tala, tatlo ang kumpirmadong namatay mula sa hanay ng mga magsasakang ang tanging layunin ay manghingi ng bigas sa gobyerno dahil sa gutom na nararanasan nila dahil sa matagal ng tagtuyot sa kanilang lugar.

Official update. Sana hindi na madagdagan ang mga namatay, nasugatan, at nasaktan. Sobra sobra na.

A photo posted by Aiza Diño Seguerra (@aizaseguerra) on

BIGAS, HINDI BALA. Kalaunan, naging trending topic sa social media ang hashtag na #BigasHindiBala.

Ayon sa post ni Aiza, matindi ang kanyang pagkondena sa mga taong sangkot sa marahas na dispersal noong April 1.

Saad niya, “Hacienda Luisita, Mendiola Massacre at ito naman ngayon. Sa Kidapawan.

“Mga pagpatay, pananakit, at pananakot sa mga taong pinaglalaban lang ang kanilang karapatan mabuhay. Karapatang kumain.

“Karapatan mabigyan ng tulong ng gobyernong kanilang inaasahan. 

“Bigas. Hindi bala. 

“Pagkain. Hindi patayan. 

“Alagaan. Hindi saktan. 

“These farmers are the ones providing for all of us. It's bad enough that no matter how hard they work, they don't get compensated enough to live comfortably dahil napupunta sa mga landowners ang kita.

“Tapos ngayong gutom ang mga taong nagbibigay ng pagkain sa atin, ito ang gagawin ninyo. Napakawalang hiya ng lahat ng sangkot dito. Napakaramot ninyo.

“Puro sarili niyo lang iniisip niyo. Sa mga sangkot sa karumal-dumal na pangyayaring to, sana magutom kayo ng husto at walang makain at kahit anong gawin ninyo ay walang tutulong sa inyo para malaman ninyo kung anong ginagawa niyo sa mga magsasakang huimihingi ng tulong sa inyo.

“Sa mga sangkot dito, sa mga LGU, mga pulis, at sa kung sino pang mga responsable, you don't deserve to be called Filipinos. 

“May araw din kayong lahat at pagbabayaran ninyo ang mga pinaggagagawa ninyo. #bigashindibala

Hacienda Luisita, Mendiola Massacre at ito naman ngayon. Sa Kidapawan. Mga pagpatay, pananakit, at pananakot sa mga taong pinaglalaban lang ang kanilang karapatan mabuhay. Karapatang kumain. Karapatan mabigyan ng tulong ng gobyernong kanilang inaasahan. Bigas. Hindi bala. Pagkain. Hindi patayan. Alagaan. Hindi saktan. These farmers are the ones providing for all of us. It's bad enough that no matter how hard they work, they don't get compensated enough to live comfortably dahil napupunta sa mga landowners ang kita. Tapos ngayong gutom ang mga taong nagbibigay ngpagkain sa atin, ito ang gagawin ninyo. Napakawalang hiya ng lahat ng sangkot dito. Napakaramot ninyo. Puro sarili niyo lang iniisip niyo. Sa mga sangkot sa karumaldumal na pangyayaring to, sana magutom kayo ng husto at walang makain at kahit anong gawin ninyo ay walang tutulong sa inyo para malaman ninyo kung anong ginagawa niyo sa mga magsasakang huimihingi ng tulong sa inyo. Sa mga sangkot dito, sa mga LGU, mga pulis, at sa kung sino pang mga responsable, you don't deserve to be called Filipinos. May araw din kayong lahat at pagbabayaran ninyo ang mga pinaggagagawa ninyo. #bigashindibala

A photo posted by Aiza Diño Seguerra (@aizaseguerra) on

Nauna nang nagbigay ng tulong ang actor-TV host na si Robin Padilla sa mga magsasakang nagutom at biktima ng dispersal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Robin Padilla flies to North Cotabato to sympathize with families of Kidapawan incident

NORTH COTABATO GOV. LALA MENDOZA. Viral naman sa Facebook ang binitawang pahayag ng gobernador ng North Cotabato na si Lala Mendoza.

Naghayag kasi itong hindi sila tatanggap ng anumang tulong na bigas mula sa lahat ngt mga kandidato.

Ito ay matapos makapaglikom ng 30 sakong bigas ang grupo ni presidential candidate Rodrigo Duterte upang ipamigay sa mga magsasakang nagugutom.

Buwelta ni Aiza, kung ang nagbigay kaya ng bigas ay si Mar Roxas, na kandidato ng Liberal Party kung saan siya kasapi, tatanggihan din kaya niya?

??

A photo posted by Aiza Diño Seguerra (@aizaseguerra) on

May mensahe rin si Aiza sa mga aniya'y "elitista" sa bansa:

FUNDAMENTAL NEEDS. Kasunod nito, nagpahayag si Aiza ng kanyang opinyon tungkol sa pangyayaring ito:

“Bawat tao, may fundamental needs. Material at spiritual. Ito ang mga pangangailangan upang tayo ay mabuhay.

“Sa spiritual, nandiyan ang relihyon, etc. Sa material naman; food, shelter, clothing, etc. As human beings, we need all of these to survive. 

“I believe that if the fundamental needs of man are met, human beings will be able to function well. We can live comfortably. Magiging masaya tayo.

“Parang sa relationship lang 'yan. Kung masaya ka, naibibigay ang pangangailangan mo ng iyong partner at nararamdaman mo ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga, kahit pa may umaaligid diyan, you will not give in to temptation. Tama?

“Now, I will apply this to what happened to our farmers in Kidapawan. Dumating ang El Niño at bilang mga magsasaka, nadali ang kanilang source ng kabuhayan at pagkain.

“Lumapit sila sa gobyerno (ang kanilang partner) upang humingi ng tulong because their fundamental needs are in jeopardy.

“Pero after ilang talks at mga pangako, wala pa ring nangyari. Gutom na sila. Ang mga pamilya nila. They need to do something. They are desperate. 

“The government is saying na the leftists exploited this need.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I believe that you cannot tempt a happy man. Because in the first place, if the farmers' needs were met, hindi nangyari tong gulo na ito.

“They went there para mapansin naman sila, ang mga hinaing nila. They carried nothing but placards. But hanggang sa huli, hindi pa rin sila pinansin.

“So what kung may maka kaliwang tumulong sa kanila? Kung inunahan niyo kasi silang tinulungan, hindi na nila kailangan pang lumapit sa iba. Kung pinakinggan niyo sila sa simula palang, hindi na nila kailangan pang makipag-usap sa iba.

“These are basic, FUNDAMENTAL needs that these farmers were asking from the government. They need to survive.

“Pero pinawalang bahala niyo lang kaya wala kayong karapatan na sisihin sila o sabihing mangmang sila at nagpapagamit. Coz if you, the government and LGU, did your job; hindi na sana umabot sa ganito.

“Wala sanang nasaktan at namatay na mga sibilyan o mga pulis na sumusunod lang sa mga utos niyo kung ibinigay ninyo lang ang nararapat para sa mga tao.”

Bawat tao, may fundamental needs. Material at spiritual. Ito ang mga pangangailangan upang tayo ay mabuhay. Sa spiritual, nanjan ang relihyon, etc. Sa material naman; food, shelter, clothing, etc. As human beings, we need all of these to survive. I believe that if the fundamental needs of man are met, human beings will be able to function well. We can live comfortably. Magiging masaya tayo. Parang sa relationship lang yan. Kung masaya ka, naibibigay ang pangangailangan mo ng iyong parter at nararamdaman mo ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga, kahit pa may umaaligid jan, you will not give in to temptation. Tama? Now, I will apply this to what happened to our farmers in Kidapawan. Dumating ang El Niño at bilang mga magsasaka, nadali ang kanilang source ng kabuhayan at pagkain. Lumapit sila sa gobyerno (ang kanilang partner) upang humingi ng tulong because their fundamental needs are in jeopardy. Pero after ilang talks at mga pangako, wala pa ring nangyari. Gutom na sila. Ang mga pamilya nila. They need to do something. They are desperate. The government is saying na the leftists exploited this need. I believe that you cannot tempt a happy man. Because in the first place, if the farmers' needs were met, hindi nangyari tong gulo na ito. They went there para mapansin naman sila, ang mga hinaing nila. They carried nothing but placards. But hanggang sa huli, hindi pa rin sila pinansin. So what kung may maka kaliwang tumulong sa kanila? Kung inunahan niyo kasi silang tinulungan, hindi na nila kailangan pang lumapit sa iba. Kung pinakinggan niyo sila sa simula palang, hindi na nila kailangan pang makipag-usap sa iba. These are basic, FUNDAMENTAL needs that these farmers were asking from the government. They need to survive. Pero pinawalang bahala niyo lang kaya wala kayong karapatan na sisihin sila o sabihing mangmang sila at nagpapagamit. Coz if you, the government and LGU, did your job; hindi na sana umabot sa ganito. Wala sanang nasaktan at namatay na mga sibilyan o mga pulis na sumusunod lang sa mga utos niyo kung ibinigay ninyo lang ang nararapat para sa mga tao.

A photo posted by Aiza Diño Seguerra (@aizaseguerra) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN