Aiza Seguerra hits back at netizen who opposes his opinion on Kidapawan incident

Aiza Seguerra responds to bashers who criticized him for voicing out his point of view regarding the recent Kidapawan incident, where many farmers were injured, some died, in a rally after they were dispersed by authorities.


May ilang netizens ang bumatikos kay Aiza Seguerra pagkatapos niyang maglabas ng kanyang opinyon hinggil sa nangyaring gulo sa Kidapawan, North Cotabato, noong April 1, kung saan ilang magsasaka ang nasawi at nasaktan.

Tinatayang may 6,000 magsasaka mula sa rehiyon ang nagsagawa ng rally upang manawagan sa lokal na pamahalaan at humingi ng bigas dahil nakararanas daw sila ng gutom matapos masira ang kanilang mga pananim dulot ng matinding tag-init.

Subalit nauwi sa madugong engkuwentro ang rally nang subukang i-disperse ng kapulisan ang mga magsasaka.

May mga artistang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa gobyerno ng North Cotabato dahil sa nangyari; kabilang na rito Aiza at ang partner niyang si Liza Diño, gayundin ang action star na si Robin Padilla.

Sa pamamagitan ng social media, binatikos ni Aiza ang government officials ng North Cotabato, partikular si Governor Lala Mendoza.

Read: Aiza Seguerra lambasts North Cotabato governor over violent dispersal of farmers

Dahil sa kanyang mga naging pahayag, may ilang netizens din ang bumatikos kay Aiza.

Tinawag pa siyang "walang alam sa isyu," "hindi lumaki ang utak," "tomboy," at "epal."

Ngayong Martes ng hapon, April 5, ni-repost ni Aiza sa kanyang Instagram account ang comments ng isang netizen, na may handle name na @ering_cat at pinalitan nito ng @north_cot, na nanlait sa kanya.

Ayon dito, hindi alam ni Aiza ang tunay na nangyayari ngayon sa North Cotabato at may mga tao lang daw na nananamantala ng sitwasyon.

Hindi raw tunay na mga magsasaka ang patuloy na nag-aalsa kundi NPA members at pastors na patuloy na nag-e-exploit ng mga magsasaka.

Bukod pa rito, tinawag pa ng kung anu-anong pangalan ng nasabing netizen si Aiza.

Sumagot naman si Aiza rito at sinabing bukas man siya na magkaroon ng diskusyon sa sinumang sumasalungat sa kanyang opinyon, mahirap seryosohin ang ilang tao kagaya ng naturang basher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 “I'd like to think na I am open enough to have a mature discussion with anyone who is against my point of view.

 “But how do you expect me to listen to you and take you seriously if you call me names?

 “Isa pa, kailangan bang maging taga-Kidapawan lang para magkaroon ng pakialam sa nangyayari?

 “'Yan ang hirap sa ibang tao, pag may pakialam kami, nakikisawsaw. Pag wala namang pakialam, sasabihang mababaw at walang pakialam sa paligid.

 “We have different sides. We believe in different things.

 “Pero if you will resort to this just because our opinions differ, sino'ng mababaw ngayon at walang utak?”

Inakusahan din ng nasabing netizen si Aiza na namumulitika, lalo pa't kilalang supporter ang singer ng presidential candidate na si Rodrigo Duterte.

Banat naman ni Aiza: “Kung binasa mo ang mga sinulat ko @ering_cat ni minsan sa mga posts ko, hindi ko binanggit ang pangalan ng kandidato ko dahil alam ko ang tamang panahon kung kelan dapat mangampanya at kelan dapat huminto to focus on certain issues.

 “Ngayon, kung ang iniisip mo ay ang bawat saloobin ko ay nanggagaling sa ibang rason other than may pakialam ako sa nangyayari sa mga tao sa bansa ko, nakakalungkot.

 “Kinain ka na ng systemang to. Dahil hindi lahat dapat politika.

 “Ngayon, sabi mo wag kang kalabanin, ikaw ang nauuna magsalita ng hindi magagandang bagay against me or other people in my account.

 “You want to be respected and your opinions be heard? Learn how to do the same.”

May isa pang netizen ang humamon kay Aiza na sa halip daw magsalita dahil wala naman siyang alam tungkol sa isyu, magpunta siya sa Kidapawan at gayahin si Robin.

Sinagot naman ito ni Aiza at sinabing bago muna siya magsalita sa isyu, inaalam muna niya ito.

Samantala, bukod sa iilang netizens na bumatikos kay Aiza, marami naman ang pumanig at sumuporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN