Angelica Panganiban: "There's no happy ending."

Angelica Panganiban: "Not a happy ending, but there's no happy ending... Ang meron lang, happiness, and Love. Then live your life."


Ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang pananaw tungkol sa mga happy endings.

Ito ay nai-relate niya sa American TV series na How I Met Your Mother?, na kamakailan lang ay nag-ere na ng kanilang final episode.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Angelica ang picture ng isa sa mga characters ng TV series na si Barney Stinson, na ginagampanan ni Neil Patrick Harris, kasama ang kanyang sikat na quote na “I love our story. Sure it's messy, but it’s the story that got us here.”

Ito ay sinabi ni Barney sa kanyang asawang si Robin Scherbatsky, na ginagampanan naman ni Cobie Smulders, noong magpapakasal pa lamang sila.

Subalit sa finale ng palabas ay nagkahiwalay din ang kanilang mga characters.

Sinamahan ni Angelica ang kanyang post ng maikling caption tungkol sa mga happy endings.

“Not a happy ending, but there’s no happy ending...

“Ang meron lang, happiness and Love.

“Then live your life.”

Nang binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang account ni Angelica, burado na ang kanyang post.

Matatandaang nitong taon lang ay nag-break si Angelica at ang kanyang kasintahang si John Lloyd Cruz.

Pero nitong Holy Week, inamin ng aktor na nagkita sila sa Hong Kong.

Read: John Lloyd Cruz admits meeting ex-girlfriend Angelica Panganiban in Hong Kong


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN