Robin Padilla shrugs off negative comments about his Kidapawan visit

Robin Padilla on Kidapawan incident: "Magsasaka, nanghihinga ng bigas? E, hindi ba, sila ang nagtatanim ng bigas? May malaking problema, socially, may malaking problema tayo. Hindi na 'to political problem."


Ipinagkikibit-balikat lamang ni Robin Padilla ang mga negatibong komento kaugnay ng kanyang pagpunta sa Kidapawan upang ipamahagi ang mga nalikom niyang libu-libong sako ng bigas para sa mga magsasakang nag-rally laban sa lokal na pamahalaan doon.

Naging maging madugo ang pagdi-disperse ng kapulisan sa mga magsasaka, kung saan ilan sa mga ito ang nasawi.

Read: Robin Padilla flies to North Cotabato to sympathize with families of Kidapawan incident victims

“May problema sila!” natatawang sabi ni Robin tungkol sa mga bumabatikos sa ginawa niyang pagtulong.

Paliwanag pa niya, “Unang-una, hindi ko ginawa yun para magustuhan ng tao.

“Wala akong pakialam sa opinyon ng tao.

“Nagpunta ako roon dahil napakalaking problema na yun ng mga Pilipino.

“Tandaan niyo, magsasaka humihingi ng bigas.

“One plus one… parang mali. Hindi puwedeng one plus one, three.

“Magsasaka, nanghihinga ng bigas? E, hindi ba, sila ang nagtatanim ng bigas?  

“May malaking problema... Socially, may malaking problema tayo. Hindi na ‘to political problem.

“Hindi lang economic, social problem ‘to. Meron tayong problema dito,” sabay turo ni Robin sa kanyang sa ulo.

Patuloy ng aktor, “Okey ba sa inyo yun, binabaril ang magsasaka?

“At yun, magsasaka, wala na siyang natatanim.

“So, anong ibig sabihin noon? 

“Five years from now, mamamatay na tayo sa gutom. Wala nang nagtatanim.

“Ibig sabihin, yung kinakain nating bigas, saan galing? Sa ibang bansa, ini-import natin.

“O, papa’no kapag yung trouble natin sa China nagkaroon ng embargo sa atin? Sino pa ang papasok?

“Kailangan kasi maisip natin yun. Kapag ang Pilipino hindi naisip yun, may problema tayo.

“It’s a social problem, hindi siya political problem. Pag-iisip natin yun.

“Sa ibang bansa, sinasanto ang mga magsasaka. Dahil sila ang source ng food.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin sa dressing room ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.

MAGSASAKA, HUMIHINGI NG BIGAS. Mensahe pa ni Robin, “Doon sa mga nagkagusto at hindi sa ginawa ko, problema nila yun. Mag-isip sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag mong isipin ang ginawa ko. Isipin mo kung ano yung problema.

“Kasi kapag hindi natin inisip ‘to, sino ang kawawa rito? Ang mga maliliit, mga susunod na generation.

“Ang mga magsasaka, humihingi ng bigas.

“O, ano na naman ang sinabi ng mga nandoon?

“Bibigyan na naman ng mga Lucky Me raw, mga ganoon.

“Sabi ko, ‘Huwag na lang tayong magbigay kung ‘yan din lang. Ang hinihingi nila, bigas. Bibigyan mo ng instant?’

“E, ano naman ang sustansiya noon? Yun ang ibibigay mo?

“Iba talaga yung isip ng mga nandoon.

“Eto, hindi na dapat headline, kasi paulit-ulit na.

“Ang headline dapat diyan, ‘Anong gagawin natin?’

“Hindi na headline yung paiimbestigahan ko ‘to.

“E, nagugutom yung mga tao, naiintindihan ninyo ba? Dalhin ninyo muna ang bigas.

“So, ngayon, may mga operation ngayon na nagbibigay ng mga bigas.”

THANKFUL. Nagpapasalamat naman si Robin sa agarang pagtugon ng mga kaibigan niya sa showbiz na makakalap ng saku-sakong bigas para sa mga magsasaka sa Kidapawan.

Pahayag niya, “Yung mga artista, naka-1,000 plus na bigas ang ibinigay.

“Sina Anne Curtis, si Angel Locsin, si Luis Manzano, si Bianca [Gonzalez]...

“Kulang pa yun. Noong dumating ka, nagpu-past ako sa FB.”

Ano ang reaksiyon ng mga magsasakang binigyan niya ng bigas sa Kidapawan?

Ayon kay Robin, “Hindi naman ako naghihintay na pasalamatan nila. Hindi ko naman kailangan yun.

“Itong ginagawa nating ‘to, para sa atin ‘to, kasi maaawa tayo sa Pilipinas.

“Tayo, anytime, puwede tayong umalis.

“E, yung maiiwan, kamag-anak mo. Ilan ang kamag-anak mo rito?

“Hindi naman lahat madadala mo, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN